Jarred Point Of View Kanina pa ako gising pero hindi ko magawang bumangon. Iniisip ko ang ginawa ko kagabi. Tama ba ang ginawa ko? Bakit nagiging malambot na ako sa kaniya? F*ck! Naihilamos ko ang palad sa aking mukha. Hindi pwede ito. Hindi pwede! Bumangon ako at naupo sa gilid ng kama. Akmang tatayo na ako mula sa pagkakaupo nang tumunog ang cellphone ko na nasa bedside table. Kinuha ko iyon at tiningnan ang caller. Napakunot-noo ako nang makita na si Beatrice ang tumatawag. Ano na naman ang kailangan niya? Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam nang inis. Marahan akong napabuntong-hininga tsaka sinagot ang tawag at iniligay iyon sa aking taenga. "Babe! Good Morning!" matinis niyang bati sa akin. Kailangan kong maging sweet sa kaniya baka isipin niya na nag-iiba na ang pagtingin ko

