Alas sais na ng gabi subalit hindi pa dumarating si Jarred. Nagluluto ako ngayon para sa hapunan. Naalala ko ang beaf steak na niluto ko. Nagustuhan kaya niya ang niluto ko? Nasarapan ba siya sa niluto ko? Hays. Malalaman ko rin mamaya pagdating niya. Nagluluto ako ngayon ng adobong manok. One of my favorite. Kailangan kasi kapag nakauwi na siya nakapagluto na ako at tapos na sa mga gawaing bahay. Nakakapagod talaga. Hindi ako sanay sa ganito. Pakiramdam ko magkakasakit ako sa pagod na nararamdam ko. Natigil ako sa pagluluto nang may maulinigan akong yabag papalapit sakin. Lumingon ako para tingnan kung sino iyon. Si Jarred na matamang nakatingin sakin. Humarap ako sa kaniya at nginitian siya. "Magandang gabi po Sir." bati ko sa kaniya. Hindi man lang siya ngumiti sakin pabalik. Ano

