NARITO kami ni Jarred sa hardin ng paaralan at kasalukuyang nagrereview para sa darating na exam. Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko dahil ang isipan ko ay nasa sinabi ni Mama. Ano ba ang dapat kong idahilan? Natatakot ako na baka kamuhian ako ni Jarred. Natatakot ako na mapoot siya sakin. Pero ito lang ang tanging paraan para hindi mawala ang Scholarship niya. Masakit man para sakin itong gagawin ko. Kailangan, dahil para sa kinabukasan niya ang nakasalalay dito. Huminga muna ako nang malalim tsaka siya tiningnan na abala parin sa pagrereview. Anim na buwan na kaming magkasintahan ni Jarred. Sa tagal naming iyon, minahal ko siya ng sobra. Biglang nalaglag ang isang butil ng luha sa aking mga mata. Pinunasan ko iyon gamit ang likod ng aking palad. Mukhang napansin ni Jarred iyon

