Habang naglalaban ang Millennium Four-Armed Ape at ang Colossal Millennium Bear ay tila may napansin siya sa hindi kalayuan. Mayroong apat na nilalang na nakasuot ng itim na cloak ang tila nakalutang sa ere. Hindi maipagkakaila ni Wong Ming na nakaya ng mga itong ikubli ang mga sarili ng mga ito sa panganib ng kapaligiran. Ngunit wala itong epekto sa Demon Eye na abilidad ng transformation skill niya. Malaya niyang napapansin na tila may gagawin ang mga ito na hindi niya mawari kung ano. Sigurado siyang hindi nagkataon ang pagkubli ng mga ito. Para kasing katulad niya ay nanonood rin ang mga ito. Ang kaibahan lamang ay mukhang may gagawin ang mga itong hindi kaaya-aya laban sa naglalabang mga halimaw. Hindi nga siya nagkakamali nang mapansin nito ang pagsagawa ng mga ito ng palihim

