Chapter 37

2007 Words
Chapter 37: Next Grey’s POV We will keep dancing wherever we go next. Last day of classes. The Bequeathal. Natapos na ang Christmas break. Bumalik na rin si Jayvee sa US. Natapos na rin ang New year. Tapos na rin ang 3rd at 4th quarter exams. Nakumpleto na namin ang clearance namin. Lumabas na rin ang test results ng mga colleges na inaplayan namin ni Deign. Pasado kami parehas sa UP with the course of Business Marketing and Management. Kaya sa UP main campus kami mag-aaral sa college. Excited na ako sa college namin pero bago yun may huling event ang school bago mag end ang school year at yun ay ang 'The Bequeathal'. Yung bequeathal ay parang prom. Kalahating prom. Pinagbawal kasi sa school yung prom ng superintendent kaya naman ginawan ng ssg namin ngg paraan. Magkakaroon kami ng turn over ceremony para sa mga out going and in going clubs and organizations officers at nakapaloob na sa bequeathal yung socialization part at prom part. Dumating ako sa school ng 5:30 PM ng naka coat na. Nakasuot ako ng peach na polo, black na coat, red checkered na necktie, at black na slacks. Pagdating ko sa school ay konti pa lang yung mga kaklase kong nandun pero napakarami ng studyante. Pagpasok ko sa loob ng classroom ay nagpicture picture agad kami. "Ang gwapo mo ngayon ah!" sabi ni Chelsea. "Papicture naman tayo oh." At pumayag naman ako syempre. Natuwa naman ako dun sa kaklase namin na dahil sa suot at ayos niya ay naging kamukha niya yung nagsabi ng don't you dare sa insidious 2 kulang na lang paputiin siya para as in magkamukha na sila. At ito pa, nahanap ko yung anak ni 'Don't you dare'. Yung outfit naman ng isa naming kaklaseng babae ay yung outfit ni black death sa insidious 2 rin. Pinag-usapan siguro ng dalawang to ang isusuot nila. Nung 6:30PM na ay pumila na kami para magregister. Halos lagpas 30 minutes kaming pumila. Pagkatapos namin pumila ay kailangan daw lahat ay mag-entourage. So syempre kapartner ko si Deign. Nakasuot siya ng red long gown at heels na kulayred at 4 inches ang taas. Pagkatapos nun ay umupo na kami sa table 13 kasama sina Jayvee. Nasa may bandang likuran kami. At nagsimula na ang program. Natapos na ang oath taking part ng mga officers sa bawat clubs and orgs sumunod na yung socialization part. Lahat ay nagsayaw to the highest level. Yung tipong wala ng bukas. YOLO ika nga. Pagkatapos namin magsayaw ng walang sawa ay sumunod naman ang prom part. Nag-award ng Best gown sa girls at best na damit sa boys. Inawardan rin ang Junior star of the night at senior star of the night both sa boys and girls at syempre meron ding Prom king and Prom queen. As expected ay nanalo kami ni Deign sa Senior star of the night. Well... kanina ko pa kasi ineexpect yun ehh. At sumunod na yung slow dance na part. Nagsayaw na kami ni Deign ng nagsayaw. Sumunod ay sinayaw ko rin si JC (awkward... pinilit kami ni Deign. Para daw kasi kay Jayvee) at si JC naman ay isinayaw din si Deign. Ewan ko ba kung ako lang ang nakakapansin pero ang haba nung slow dance. Medyo sumasakit na nga ang mga paa ko eh. Deign’s POV Sa kalagitnaan ng pagsasayaw namin ni JC ay biglang nagring yung phone ko. "Saglit lang Jayvee ah. Sasagutin ko lang yung tawag." Sabi ko. "Yah sure. No prob." Mama ni Grey yung tumatawag. At sinagot ko na yung tawag. Deign: Hello po tita. Bakit po kayo napatawag? Tita: Kasi Deign yung mommy mo sinugod namin sa ospital. Dahil sa narinig ko ay muntikan ko ng mahulog yung phone ko. Tita: Hello Deign? Nandiyan ka pa ba? Deign: Bakit po siya sinugod sa ospital? Tita: Kasi nandito siya sa bahay nililigpit yung mga make up mo then bigla na lang siyang hinimatay. Chinicheck pa siya ng doctor ngayon para malaman kung ano ang dahilan ng pagkahimatay niya. Deign: Sang ospital po 'yan tita? Tita: Sa St. Angels. Deign: Oh sige po tita susunod na po ako diyan. Binaba ko na yung phone at tinawag ko si Grey. "Grey! Kailangan natin pumunta ng ospital." "Bakit?" tanong niya sa akin. "Sinugod si Mommy sa ospital." At agad kaming lumabas ng school at nagtaxi na kami papuntang St. Angels. Ilang minuto lang ay nandun na kami kaagad. "Tita! Tita! Kamusta na po si Mommy?" "Hindi pa dumadating yung doctor." Then suddenly may nagbukas ng pintuan. Pumasok yung doctor. "Tatapatin ko na ho kayo. Stage 4 na po ang Breast cancer niya." Paliwanag ng doctor. "At kumalat na ho ito sa kaniyang lungs." Pagkasabi nun ng doctor ay parang tinamaan ako ng bala diretso sa puso. Parang tinadtad ng saksak yung puso ko. Parang isa isa nilagyan ng tinik ang puso ko. Hindi maaari ito! Hindi na ako papayag na may mawala na namang mahal ko sa buhay. "Pero doc okay naman po siya ah. Ang lakas lakas niya naman po. Kanina nga lang po inaayusan niya ako eh. Paano pong nagkaroon siya ng cancer at stage 4 na?" tanong ko sa Doctor. "Matagal na po siyang nagpapacheck up dito and actually yung last time na nagpacheck up siya ay nung sumakit yung ulo niyong dalawa." At tinuro niya kami ni Grey. "May taning na po ang buhay niya. Mas mabuti na pong mamuhay na siya ng normal. Let her live her life to the fullest." "Paano niyo po nagagawang sabihin 'yan?! Siguro hindi pa kayo namamatayan ng mahal sa buhay o kaya naman ay wala kayong puso!" Hindi lang pala binaril, sinaksak at tinusok ang puso ko. Dinurog ito. Dinurog hanggang sa maging pulbos. Hindi ko na napigilang umiyak. Napakasakit na ng nararamdaman ko. Nagagalit ako sa sarili ko. Naiinis ako, nasasaktan ako at para bang unti unti na rin akong pinapatay. Nasa alanganin pa ang buhay ng mama ko ngayon. Ang kaisa isa ko na lang na pamilya mawawala pa. HINDI! Hindi maaari iyon. Lalaban kami ni mama. Hindi siya mawawala. Mabubuhay siya ng mas matagal pa. Niyakap ako ng mama ni Grey. Mas lalo akong naiyak nung ginawa iyon ng mama ni Grey. Para bang nararamdaman kong si mama yung nakayakap sa akin. "Magiging maayos rin ang mama mo. Gagaling rin siya." Sinubukang pagaanin ang pakiramdam ko ng mama ni Grey pero hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Nagising na si mama. At lumabas muna sina Grey. "Ma! Bakit di mo naman sinabi sa akin?" patuloy pa rin ako sa pag-iyak. "Akala ko ba walang secrets! Bakit ka naglihim sa akin? Bakit mo hinayaang pagdaanan mo lang ito ng mag-isa? Mama naman eh!" At humagulgol na ako sa pag-iyak. "Anak makinig ka sa akin. Hindi na importante yun - " pinutol ko bigla yung sinasabi ni mama. "Anong hindi na importante yun? Alam mo namang ikaw na lang ang meron ako diba! Alam mo namang hindi ko makakaya kapag nawala ka. Alam mo namang hindi ko kayang makita kang nahihirapan. Alam mo namang masakit para sa akin na makita kang may sakit. " "Yun na nga anak eh! Tinawagan ko na ang papa mo! Hindi mo na ako kakailanganin. Siya na ang magbibigay ng lahat ng kailangan mo sa buhay." "Bakit niyo po 'yon ginawa? Wala siyang kwentang ama!" sigaw ko. "Ikaw lang ang kailangan ko ma! Ikaw lang! Wala ng iba! Basta't makita ko lang na magaling ka na okay na ako." "Wag mong sasabihin 'yan Deign. Siya ang dahilan kung bakit nakakapag-aral ka pa rin hanggang ngayon. Siya ang dahilan kung bakit tumagal ang buhay ko hanggang ngayon." "So matagal ng alam ni papa ito? Ako lang ang hindi nakakaalam?" "Hindi na namin ipinaalam ito sa iyo dahil ayaw ka naming mawala ang pokus sa pag-aaral. Ayaw naming mag-alala ka ng sobra." "Pero ma!" napasigaw na ako. "Susunduin ka na niya. Sa Amerika ka na titira at doon ka na mag-aaral kapag wala na ako." "Wag niyo pong sabihin 'yan!" pinunasan ko ang luha ko. "Hindi po ako papayag sumama sa kaniya unless sasama ka po sa amin. Ma! Sumama po kayo. Doon siguradong gagaling po kayo." "Hindi na anak." "Sige na ma! Gusto ko pong gumaling kayo. Ayoko pong mawala kayo sa akin. Mahal na mahal po kita ma. Promise po hindi na po ako magkukulit. Lagi na po akong susunod sa inyo basta at magpagaling lang po kayo. Sige na naman po!" "Hindi mo ba narinig anak na may taning na ang buhay ko. At ngayong buwan ay ang huling buwan ko na. Hindi na ako gagaling at tanggap ko na iyon." "Mommy naman eh!" At lalo pang lumakas ang pag-iyak ko. "Wag niyo pong sabihin 'yan. May awa po ang Diyos. Gagaling po kayo." At napaupo na lang ako habang umiiyak dahil hindi ko na kinakaya ang bawat sandali na makita si mama na nakahiga lalo na't alam kong may sakit siya. Nagstay ako sa tabi niya at nagdasal ako. "Anak. Basta't pagbutihin mo ang pag-aaral mo sa Amerika. Magtapos ka ng pag-aaral para sa akin. Tuparin mo ang mga pangarap mo kahit na wala na ako. Kaya mo 'yan! May tiwala ako sa'yo." "Lord! Pagalingin niyo na po si mama. Lagi na po akong magsisimba, magiging active na po ako sa church activities, parati na po akong gagawa ng mabuti, iiwasan ko na pong gumawa ng masama, tutulong po ako sa isang tao sa abot ng makakaya ko basta po pagalingin niyo lang po si mama." Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng kakaiba pagkatapos magdasal. Para bang walang answer si Lord. Hindi niya ako sinagot. At pagkatapos ko magdasal ay umupo ako sa tabi ni mama at nakatulog na ako ng nakagown pa rin. Naging napakabigat para sa akin ang araw na ito. Kung may magagawa lang ako para gumaling si mama. Bangag Day Kinabukasan ay ginising ako ni Grey. "Oh Grey!" nginitian ko siya "Buti naman at nakangiti ka." Sabi ni Grey. "Dinalhan nga pala kita ng damit, shampoo, sabon, at tuwalya. Maligo ka muna. Irefresh mo muna sarili mo." "Oh sige maraming salamat Grey." "Ako na muna ang magbabantay kay Tita." At naligo muna ako sa banyo. Habang naliligo ako ay napakabangag ko. Iniisip ko pa rin yung sinabi ni mama kagabi sa akin. Naipansabon ko tuloy sa katawan ko yung shampoo at naishampoo ko sa buhok ko yung sabon. Hindi na talaga ako makapag-isip ng maayos. Mababaliw na ata ako. Bigla na lang ako naiyak. Naalala ko yung sinabi ng doktor kagabi. "Deign? Deign? Ok ka lang ba? Tapos ka na ba?" Tanong sa akin ni Grey. Pinunasan ko ang luha ko. "Ok lang ako Grey. Patapos na ako." Nagbihis na ako at lumabas na sa banyo. "Deign." Tawag sa akin ni Grey. "Bakit?" Tanong ko "Baliktad yung damit mo. Yung harap nasa likod." At pumasok ulit ako sa loob ng CR para baliktarin yung damit ko. "Anong napag-usapan niyo ni Tita?" tanong sa akin ni Grey. Hindi ako nakapagsalita. Ang una kong naalala ay yung sinabi ni mama na sa Amerika na ako mag-aaral. Dapat ko bang sabihin yun sa kaniya? Hindi. Wag. Ang daming masasayang dulot na naibigay sa akin si Grey tapos sasaktan ko lang siya. Hindi ako aalis kahit ano man ang mangyari. Ayokong iwan si Grey. Ayokong saktan si Grey. "Ah nagtalo lang kami ni mama kagabi. Pinipilit ko siyang sumama - " hindi ko na itinuloy yung sinasabi ko. "Isama saan?" tanong sa akin ni Grey. "Sa isang cancer expert sa Maynila." At nagising na ulit si mama. "Sabi ko naman sa'yo anak. Hindi ko na kailangan 'yon. Sumama - " pinutol ko yung sinabi ni mama. "Ang kulit kulit mo talaga ma!" "Makinig na po kayo kay Deign, Tita, para rin naman po iyon sa ikakabuti niyo eh." Sinang-ayunan ako ni Grey. "Para po gumaling na kayo. Para po makasama pa po namin kayo ni Deign ng matagal. "Oh diba! Sabi ko sa inyo eh." Sinegundahan ko si Grey. At di na lang nagsalita si Mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD