Chapter 11

2127 Words
Chapter 11: Aftershocks Grey’s POV Sobrang nakakapanggigil na talaga yung babaeng yun, ah. Mapupuno na ‘ko sa kaniya. Siya na nga yung inaalala tapos ganun pa kung maka-react. Akala mo naman demonyo ako na puro kamalasan at kasamaan ang dulot sa kaniya. Pero sabagay, ako naman ang promotor ng mga nangyari sa kaniya kanina. Pero yung pagsalo ko sa kaniya ang pinakatotoo sa lahat. Walang may alam at walang may gusto na madulas siya. Pasalamat nga siya at napakabilis ng reflexes ko at naligtas ko siya. Kaso yung sa ID niya, biglaan ko lang din binalak. Naisip ko kasi na hindi siya makakaikot-ikot lang sa school nang walang ID. Edi lalo siyang maiinis, hindi ba? Nung umalis na sila Deign ay naupo na kami sa table. Tuwang-tuwa ang mga ogag. “Lakas din ng trip mo ‘no, Grey?” Tawa ni Kiel. “Ngayon ka lang naging ganito.” Puna ni Royce. “Ano ba ang meron dun sa babae? Ginawan ka ba ng masama? Trip mo lang ba?” Sunud-sunod niyang tanong sa akin. “Inaaway ka ba sa section 1? Ka-section mo siya ‘di ba?” Gatong ni Rence. “Inaangasan ako sa section 1 mga pre. Hindi pwede ‘yun. Dapat makilala niya kung sino ako.” Sagot ko. “Ay wow! Sige lang, pre. Sabihin mo lang ano pa’ng mga gagawin namin. Dapat maturuan ng leksyon ‘yan.” Pagpresenta ni Kiel. “Nakahanap ka ata ng katapat mo, ah. Tapos babae pa. Paano kung siya na pala ang magpapatibok sa puso mong bato?” Pang-aasar ni Rence. “Tumigil ka nga riyan! Gusto mong isunod kita sa kaniya?” Pagbabanta ko sa kaniya. “Ay nako ‘wag na. Baka mamaya sa akin ka pa ma-in love.” Patuloy na pang-aasar ni Rence. “Isa pa.” Muli kong pagbabanta sa kaniya. “Ito na po. Tatahimik na po.” Sagot niya. “Hanggang kailan mo balak inisin ‘tong babae?” tanong ni Royce. “Hanggang sa magsawa ako o siya na ang magmakaawa.” Walang pagdadalawang-isip kong pagsagot. “Iba! Tignan natin. Patigasan kayong dalawa.” wika ni Royce. At nagpatuloy na kaming kumain. Habang sumusubo ako ng kanin at ulam ay napapaisip ako sa nangyari kanina. Nag-play ulit sa utak ko yung sinalo ko si Deign mula sa pagkakadulas niya. Ang ganda pala niya. HOY! ANO ‘YAN, GREY? Napailing kaagad ako. Maganda siya kapag nakabaligtad ang mukha. Oo, ayun lang ‘yun. Tama, kapag normal lang ay walang dating. Napabalik na lang agad ako sa pagkain. Hindi dapat natin iniintindi ang mga ganung thoughts. Maya-maya pa ay nagsimula na kaming magpaskil at magpamigay ng posters namin para sa aming org. Simula na ng one week recruitment at next week na ang listing. Sa unang room ay pumasok kami. Sa Grade 10 section 4 ay napakaayos nila. Natahimik kaagad sila nung nasa harapan na nila kami. “We are here to promote or brotherhood s***h organization, Phi Theta. I am Grey Samaniego, the head leader. And here are my co-brothers who will explain everything about our group.” “I am Kiel.” “I am Royce.” “I am Rence.” “So, what is Phi Theta?” Panimula ni Kiel. “This is not your typical brotherhood. We aim to end the stigma about the negative ties tied around the word brotherhood. We promote general welfare and everyone’s ascendancy.” “What we can promise is that you’ll be in good hands. You’ll have more brothers so you will feel safe. Everyone is helping each other. Also, I know you would also like to have the edge in getting to the university that you prefer, right?” dugtong ni Royce. Matapos ang mahabang pagpapaliwanag naming apat ay nag-iwan kami ng form sa kanilang President at pagkatapos ay lumabas na kami. Ganun lang ang ginawa namin. Nag-room to room kami habang break time pa. Pero sa kalagitnaan ng pag-iikot namin ay hinarang kami ni JV at Belinda na mga hinihingal. “Oy! Kupal!” Tawag sa akin ni JV. Huminto siya sa harapan ko at napatukod sa mga tuhod niya habang hinahabol ang kaniyang hininga. “Bakit?” tanong ko sa kaniya. “Ang bilis mo, JV.” wika ng kasama niyang babae na hinihingal din. “Nasa’n yung ID ni Deign?” tanong niya sa akin habang nakatingin nang masama. “Anong ID?” Pagmamaang-maangan ko. “Tigilan mo na nga kami! Ilabas mo na lang.” Tumaas ang tono ng pananalita ni JV. Hinila ko na lang siya agad papunta sa may hagdan dahil ayokong makita kami ng iba na nag-aaway o nagsasagutan. Baka madamay pa ang org namin. Nakasunod lang sa amin sina Royce, Rence, at Kiel. Kasama na rin yung babae. “Oy anong gagawin niyo kay JV?” tanong nung babae. “Bitawan mo nga ako! Ano, kukuhaan mo rin ako ng ID?” Pagalit na sabi ni JV. “Hinaan mo nga ang boses mo. Ano bang sinasabi mo?” Pilit kong pagmamaang-maangan. “Gusto mo bang makarating pa ito sa kinauukulan o ititigil mo na ‘yang pagiging best actor mo at ibibigay mo na ang ID?” Pananakot sa akin ni JV. “Kung ako sa ‘yo, tigilan mo na ‘yan. ‘Wag mo ng guluhin si Deign. Tantanan mo na siya.” Gatong nung babae. “Ok. Ibibigay ko na ang ID. Chill. Pwede namang daanin sa mabuting usapan. Pakisabi na rin sa kaibigan niyo na hindi niya ‘ko maiiwasan.” Sabay abot ko nung ID mula sa bulsa ko. “Grabe ka talaga!” wika nung babae. At dali-dali na silang umalis. Pataapos na pala ang lunch break. Kailangan na naming bumalik sa kaniya-kaniyang klase. Kaya naman naghiwa-hiwalay na kami. “Sige, mamaya na lang ulit!” Paalam ko sa kanila. Habang naglalakad ako papunta sa room namin ay hinarang ako ni Deign mula sa likuran ko. Bigla siyang sumulpot na lang sa harapan ko. “Alam mo, napakawalang hiya mo talaga.” Kompronta niya sa akin. “Wow, ang straight forward. Ang sakit magsalita, ah.” Sagot ko sa kaniya. “Ay, nasasaktan ka pa pala? Parang ang weak mo naman.” Natauhan ako sa sinabi niya. “Sa susunod na pag-trip-an mo pa ako, hindi lang ito ang aabutin mo.” Sabay sinampal niya ako sa kanang pisngi ko. Nagulat ako. Pangalawang beses na niya ata itong ginawa sa akin. Tapos tulad nung una ay umalis na lang siya kaagad. URGHHHHHHHH! Nakakaano haaaaaaay 'di ko maintindihan. Pero somehow parang dama ko siya. That's what I was nung bata pa lang ako na 'di na alam kung anong nangyayari sa mundo. Na naging sobrang fragile ko na at tipong isa na ‘kong basag-basag na salamin at kulang-kulang na ang aking parte. Pero ‘di ba dapat she's now mature enough para i-handle ang mga bagay-bagay lalo na ang emotions niya? Like grabe naman. Pero baka deserve ko rin naman? Pero mas lalo ko tuloy naisip na hindi ako titigil. Hay balik sa pag-aaral, Grey. Focus sa pag-aaral. Biglang nagmadaling lumabas si Deign palabas ng classroom. "Hala sa’n pa pupunta yun eh saktong 1 pm na. Parating na yung teacher namin panigurado." Gusto ko sana siyang sundan kaso baka masungitan lang ako at mas lumala pa ang mga bagay-bagay so nanatili na lang akong nakaupo. Makalipas ang ilang segundo ay dumating na yung teacher namin. Makalipas ang ilang minuto, ang ilang oras ay 'di pa rin bumabalik yung si Deign na itinuturing kong Ms. Mondragon ngayon. Grabe sa 17 years na nabubuhay ako ngayon lang may nagtaray sa ‘kin at nagsusungit na babae. Karaniwan naman kasi ay gusto ako. Akala mo ang laki-laki ng kasamaang ginawa ko sa kaniya. Nako 'pag sa susunod ginawa niya ulit 'yon ewan ko na lang. Baka 'di ko na matantsa yung mga masasabi ko. Ngayon lang ulit ako magagalit if ever. Biruin mo? Dalawang sampal. Nako ayoko. Isa ‘kong beast mode na dambuhala ‘pag galit. Pero I can compose myself naman. May kumalabit sa akin. "Pssst! Tawag ka ni sir." Sabi ng kaklaseng katabi ko. "What's your name?" tanong nung professor naming babae na mukhang sobrang sungit pero 'di katulad nung babaeng masungit na maganda. "I'm Grey Samaniego po." Sagot ko. "Mr. Samaniego are you with us?" "Why ask, Ma’am?" "You're staring at something and maybe thnking deeply about something." "No, I'm not Ma’am. I'm sorry." "Ok then let's proceed." Nung sumunod na period ay bumalik na si Miss Drama. Nagpalipas oras muna siguro. Nagpahupa ng emosyon for one hour. Wow! Sinakripisyo talaga yung isang subject. Pero sabagay wala pa naman gaanong gawain kapag unang linggo. Hay nako ba't ko ba pinapansin ‘yun. Bahala siya sa buhay niya. Mamaya maging pakielamero pa ‘ko. Dun siya sa bakanteng upuan sa harapan ko nakaupo. Hay nako kay babaeng tao ang gulo-gulo ng buhok. Pero maayos din ito at the same time. Pero mabango, ah. Naamoy ko rito sa likuran. Alam niyo yung maayos ang pagkakagulo? Basta ayun ganun yung buhok niya. Nakatali nga mukha namang basta ewan. Unpleasant ganun. Ang haba-haba parang hindi naman nasusuklay. O baka naman ginagawan ko lang siya ng pagkakantsawan? Nagulat ako sa sarili ko nang hawakan ko ang buhok niya. Napalingon sa side ko si Miss Drama. "Ano? Bakla ka ba? Trip mo buhok ko? Pahaba ka rin, ah." Medyo nakangisi niya matapos niyang magsungit. Ang bilis ng reaction niya! Nagulat na naman ako. Ang judgemental masyado. WASAK ANG EGO! Grabe 'di ako bakla, ah. Hahalikan ko 'to. Ang macho-macho ko tapos ganun lang. Grabe sokpa na nga ko sa mga qualities na pang Mr. International, eh. Napahampas ako sa desk ng upuan ko sabay yuko. Hintayin lang talaga ng Miss Drama na 'to nako. Para yatang 'di na bagay ang Miss Drama... Hmmmm... Ewan grabe lahat na ata ng masama nasa kaniya na. Miss mukhang dragon... Miss Mondragon! Malupet na pangalan ‘yun para sa kaniya. Natawa ‘ko nang medyo malakas. Nagsitinginan yung mga tao sa room sa akin. NAKAKAHIYA PUCHA! LUPA LAMUNIN MO NA KO! GRABENG KAHIHIYAN! "What's funny Sir?" pagalit na tanong nung teacher naming lalaki na sobrang nakakatakot pala simula nung titigan ko. 'Di ako nakasagot agad. Grabe sunud-sunod, ah. Wala naman akong balak magpa-famous sa mga teacher. "Answer me, Mister!" At natauhan ako. "Nothing, Sir!" sagot ko. "Well then are you crazy? Are you hearing something that we can't hear? Are you seeing something that we can't see?" parang bala na sunud-sunod na iniratrat sa akin yung mga tanong. "First and foremost, I am not crazy, Sir. And I hear nothing and see nothing that you can't hear nor see." "Are you that disrespectful for not standing up when you're in class and talking with your teacher?" ratsadang pangsasabon sa akin nung teacher. Tumayo ako. Nakita kong tumingin sa side ko si Miss Mondragon. "I am really sorry, Sir. I didn’t intend to disrespect you. Sorry, Sir." Sabay napayuko ako. "Forgiven! Ok, let's continue." During vacant period ay magkasama kami ni Kiel. Bigla na lang nawala si Miss Mondragon so 'di ko na siya naharap. "Oh kamusta naman?" tanong ni Kiel. "Ayun grabe nung last two periods. Yung dalawang teacher ay nasita ‘ko." "Bakit naman?" "Dahil dun kay Miss Mondragon?" "Sino yun? Teacher?" "Hindi kaklase ko ‘yun. Sobrang sungit at mataray nun, eh. Yung iniinis natin.” "Ahhhh! Eh, ano ba’ng ginawa mo? Ba't ka nasita?" "Eh, kasi naman nung una iniisip ko kung nasa’n na kaya siya kasi nagwalk-out siya. Eh, baka mamaya may sama na ng loob sa 'kin ‘yun." "Hala ba't naman?" "Eh, kasi nagkasagutan kami. Pa’no ba naman ako na nga 'tong nagmamalasakit na ibinalik ang ID aa kaniya, eh sinungitan ba naman ako tapos sinampal." "Ahhhhhhh yah, girls." Sabay ngiti ni Kiel. "Nakatikim ka rin ng sampal. Nahanap na nga talaga ang katapat. Pero ba't mo ba kasi nilapitan pa?” "Hinarang na lang ako bigla nung malapit na ako sa room." Natahimik lang si Kiel. "Tsaka natawa ko kanina nang medyo malakas dahil ayun nag-iisip ako ng pangalan niya. Sinabihan ba naman akong bading kasi hinawakan ko yung buhok niya." Pagpapatuloy ko ng kwento. "Ay ang sama." Sabay tawa ni Kiel. "Kaya Miss Mondragon. Nako, ah. Tsaka ba't mo naman kasi hinawakan yung buhok niya?" "'Di ko rin alam, eh." "Nako hindi kaya naiinggit ka at gusto mo rin ng long hair?" "Oy hindi, ah grabe ka. Sa gwapong kong 'to." Sabay titig ko kay Kiel. Napaiwas siya ng tingin. "Baka naman gusto mo kasi siya? Baka naman attracted ka..." "Nako hindi. Sobrang naiinis lang ako sa kaniya." Napaisip ako bigla. Never pa naman akong na-in love. Yung totoo talaga ganun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD