Chapter 44: Opposite Grey’s POV Naging napakalungkot ko ngayong summer vacation. Walang araw ang lumipas na hindi ko iniisip si Deign. Lagi ko siyang inaalala. Miss na miss ko na siya. Nung umalis na sila Deign ay para bang nawalan ng saysay at kulay ang buhay ko. Di ko alam ang gagawin ko kapag wala siya. Parati ko na lang tinatawagan si JC at nagkwekwentuhan kami. Gustong gusto ko ng kamustahin si Deign. Gustong gusto ko na ulit siyang makausap, mayakap at makasama. Kahit saan ako magpunta ay siya ang naiisip ko. Dito ay umaga at diyan ay gabi. Ang oras natin ay magkasalungat. Aking hapunan ay iyong umagahan. Ngunit kahit na anong mangyari, balang araw ay makakapiling ka. At kumain na kami ng hapunan. "Anak! May good news kami ng papa mo!" excited na excited si mama. "Ano po ba '

