Chapter 13

1199 Words
Chapter 13: False Grey’s POV Napadaan kami sa library ni Kiel dahil kailangan naming mag-renew ng card at mag-update ng information. Tinanong niya si Maica kung boyfriend daw ba niya ako. Ako yung sumagot. Wala lang. 'Di ko napigil ang sarili ko. Unti-unti talaga akong inuubos ng babaeng 'to. At ano ba ang pakialam niya hindi ba? At sino yung kinukwento ni Maica kay Ms. Mondragon? Kailan pa sila naging magkakilala? Kailan pa sila nagsimulang magkwentuhan? Aba, grabe rin naman pala mag-stalk 'tong babaeng 'to. Inaalam talaga niya yung mga taong malapit sa akin. Sounds like obsession to me. Hindi ko naman kasalanang ang pogi ko tapos may taong magkakagusto sa akin tapos nagiging detective. "Oo bakit?" sagot ko. Subukan lang natin alamin kung ano ang magiging reaksyon niya. Baka mamaya magselos pa ‘to. "Napakamalas mo naman pala Maica. Akala ko kung sino na ‘yung kinukwento mo." Grabe akala mo kung sino magsalita 'tong babaeng 'to. Parang ang swerte ng lalaking magkakamaling mahalin siya, ah. Nako talaga. Sinong magkakagusto sa ganiyan ang ugali? "Ang sabihin mo naiinggit ka lang." mahinang kong sinabi at alam kong nakapagtaas ako ng boses. Buti na lang at hindi niya narinig ang sinabi ko. "Oy Deign pero matinong tao naman 'tong si Grey." Sumingit si Maica. That’s right! Ang tino-tino kong tao. Wala akong bisyo tapos independent pa. ‘Di ba? Sa’n ka pa? "At bakit naman ako maiinggit hah bakla?" tanong ko. At nagpintig na talaga yung tenga ko. WOW! Sabi na ngang hindi ako bakla, eh! Alam kong walang mali sa pagiging bakla pero hindi ako ganun! Alam ko ang sarili ko. Nako kung alam ko lang na hahantong sa ganito ang lahat edi sana hindi na lang ako nagpunta sa likuran na upuan niya o kaya dapat 'di ko na lang siya nilapitan. Isa pang sabi ng bakla nito ewan ko na lang kung ano ang magagawa ko. Pero pwede namang hindi ko pansinin dahil alam ko namang hindi totoo. Pero kapag ginawa ko ‘yun ay hindi kasi siya titigil at iinisin lang ako lalo. "Para sabihin ko sayo Ms. Mondragon, hindi ako bakla tandaan mo 'yan." Napasama ako ng titig sa kaniya. "Ano? Ms. Mondragon? Galvez ang apelido ko." "Wala akong paki." Sagot ko. At ayaw pa talaga niya ‘ko tantanan. Ayaw pa ‘ko tigilan nako. Buti mahaba ang pasensiya ko. "Bakla." Sabay inirapan niya ko. 'Di ako nananakit ng babae jusko! Ayokong magkasala! Iligtas niyo ‘ko nako! Yung dugo ko nag-iinit na! "Dragon." "Bakit ba kayo nag-aaway?" pumagitna si Maica. "Eh ayan kasi." Sabay pa naming nasabi ni Ms. Mondragon. "Akala mo kung sino magtaray eh siya na nga yung inaalala." Paliwanag ko. Totoo ba? Nasabi ko yung salitang inaalala? Inaalala ko siya? No way! Hindi ko na naintindihan yung mga sumunod na batuhan ng mga salita. Sobrang ang gulo ng utak ko. Basta ang alam ko nag-ring na yung bell at oras na para bumalik sa klase ANO BA ANG NAGAWA KONG MASAMA AT KINAKARMA AKO NG GANITO?! #NoChill na talaga ako. Gusto ko nang magwala! Sa pedestrian lane, sa classroom, tapos ngayon sa library naman! What the! Sumpa na ba 'to? Pinaparusahan na ba 'ko? At ito na nga... Oras na para harapin ang hatol ng tadhana. Kasama ko siyang mag-aaral buong school year kasama nitong mga kaibigan niya na mainit din ang dugo sa akin. What a nice start of academic year! So ayun syempre iwasan kami ni Ms. Mondragon. Kapag dadaan ako sa kung saan tapos nandun siya eh biglang lilihis siya ng daan. Pero ako rin naman biglang napapaiwas. Nawirduhan na sa aming dalawa si Maica, yung kasama namin. Lumabas na kami ni Kiel. Nilapitan niya ko. "Anong meron?" tanong niya. "Hay nako ewan ko ba. Basta 'di kami maayos ngayon. Kita mo naman ‘di ba? Sinong hindi maiinis. Kaya hindi tayo titigil sa plano natin." Sagot ko. "May LQ kayo? Anong pinag-aawayan niyo?" tanong niya ulit. "Hala! Hindi ah! Ni hindi ko nga kilala yun eh pero grabe kung makapang-asar." "Bagay kayo." "Nako ‘wag na ‘wag mo na ulit sasabihin ‘yan. Baka salpakan ko ng socks ‘yang bibig mo." "Ay ganon." "Ay sorry. Mainit lang ulo ko. Pasensiya na." "Sanay na ‘ko. Ako naman ang laging nakikibagay." Hala nagdrama ang kuya mo. Dali baka mag-mmk 'to pakinggan natin. "Kami na ang bahala. Basta magsabi ka lang. Mukhang masayang pag-trip-an ‘tong Ms. Mondragon mo." Dugtong niya. "Tignan natin hanggang saan siya tatagal. Pero parang gusto ko na lang din itigil. Baka mamaya masanay siya tapos ma-miss niya ‘ko." "Hala anong meron?" tanong niya. “Ano ‘yang pinagsasasabi mo?” "Ah, wala lang. Joke lang ‘yun. Kung anong sinimulan natin ay dapat tapusin natin." "Ok sure akong matutuloy ‘yang tinutukoy mo." "Kaya kahit sino pa siya o ano pa siya, wala siyang kawala." "Oh and so?" Biro niya sa akin. "Aba! Ginaganiyan mo na ‘ko ngayon? Gusto mo ba na maging trip ka rin ng grupo? Ano? Sagot!" Biro ko rin sa kaniya. "Nako makakamove on ka rin kay Deign. Basta kung nasan man yung puso mo, mahal na mahal ka pa rin nun at susuportahan ka namin. Babalik at babalik yun sayo pag nagkataon. Ikaw naman 'di mo nasabi na umiibig ka na pala.” "Umiibig?" tanong ko. “Walang ganun!” "Bakla..." Ay tignan mo nga naman 'tong taong 'to oh. Dumadagdag pa! Ang lakas! "Sige subukan mo. Sabihin mo pa ulit ‘yan." Sabay stomach in, chest out, and pagwapong face. "Sure?" "OO NGA!" Nako 'di ko na alam talaga. Kakayanin ko pa bang pumasok sa mga susunod na araw? "At hindi ko kaibigan yung Deign. At teka wala ka namang nalalaman so don't judge." "Ok if you say so." Sabay kindat niya. UGHHHHHHHH! Kailan ba ko tatantanan ng mga tao... Ok Grey chill, chill, chill... Pahupain ang emosyon. Mag-aral tayo nang matiwasay at maayos. Be professional. Wag haluan ng personal na bagay ang pagiging studyante Buong magdamag kaming 'di nagpansinan ni Ms. Mondragon. Nakita ko siyang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Maya-maya pa ay tumatawa siya. Mas maganda siya pag nakangiti at 'di yung nakabusangot ang mukha. Anong pinag-uusapan nila? Ba't sila tawang-tawa? Kunwari may chinecheck ako para mapadaan ako at mapalapit sa kanila. "Yung Grey na ‘yun 'di ko alam ah pero parang confused pa yun sa gender niya, eh." Sabi ni Ms. Mondragon. "Ah oo kanina may nabanggit siya tapos akala ko nga gay siya eh kasi kung magkwento akala mo may namamagitan sa kanila nung Kiel na tinutukoy niya." "Hala! Siguro naman mali ako ‘no. Ang daming Kiel sa mundo." At oo alam ko... Nagkamali na naman ako ng desisyon. Bakit pa kasi ako pumunta? Ba't pa ko lumapit? Kainis naman oh. Pero 'di na ko naaasar. Hindi na ko naiinis. Kalmado lang ako. Hay buti naman... At dahil dun natapos ang unang araw ko sa skwelahan nang matino. Bago ako umuwi ay dinaanan ko muna sina Kyle at Jen para ilibre sa tusok-tusok. Pag-uwi ko sa dorm ko, grabe nakatulog agad ako. 'Di ko na kinaya yung pagod ko. Sobrang nastress ako and naubos ang energy ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD