Chapter 54: It’s Complicated Again Deign’s POV Weekend :( Nagising ako dahil sa liwanag ng araw na dumadaan sa bintana sa kwarto ko. "Ang sakit ng ulo." Sabay lagay ko ng kamay sa ulo ko. Medyo hinilot hilot ko rin. Biglang may kumatok. "Sino 'yan?" tanong ko. At mas lumakas pa yung pagkatok niya. "Sino nga 'yan?!" ulit ko pero mas malakas pa. "Si Luke 'to!" At tumayo ako at binuksan ang pinto. Pagkabukas ko ay nakita kong may galit sa mukha ni Luke. "Oh bakit? Anong meron?" tanong ko kay Luke. Bigla na lang tumalikod si Luke at naglakad papunta sa kwarto niya. Sinundan ko siya sa kwarto niya. Kumatok ako ng ilang bese. "Luke! What's the problem? Kausapin mo ko?" At paulit ulit akong kumatok pero hindi niya ako pinagbuksan ng pintuan. Bumalik na lang ako sa kwarto ko. Ano ba

