Chapter 15: The Dance
Deign’s POV
So ayun sabay ulit kami ni JV pumunta sa terminal. Hindi pa rin siya tumutuloy sa dorm niya kaya ayan bumibiyahe pa rin ang bakla. Sayang renta. Sinusulit na namin yung huling four days na magkasabay kaming pumasok. Pero lagi na kaming magkakasabay kapag doon na rin siya tumira. Ang gulo namin, ano?
Pero ayun nga, mapipilitan na siyang sa dorm mag-stay. Push na namin ito.
As usual daldalan at harutan.
Maaga kaming pumasok lahat. Tumambay kami sa plant box sa may garden malapit sa bulletin board. Ang plant box na ito ay medyo malayo sa tinatambayan ni Grey.
"Mga bakla may party-party sa bahay sa Friday. So hapon hanggang kinabukasan ng umaga." Anunsyo ko sa kanila “Para masayang-masaya naman ang huling memories namin sa bahay ni Mommy. Tulungan mo ‘kong maglipat next weekend, JV, ah!” Sabay hampas ko sa balikat niya.
“Buti na lang at immune na ‘ko sa mga hampas mo. Manhid na ‘ko dahil sa ‘yo, Deign.” Pagdadrama ni JV
"Oh my! Overnight! Gora ako diyan." Sabay napatayo si Belinda.
"Ako rin G ako. Anytime anywhere." JV. "Tsaka may sasabihin pala ako sa inyo."
"Ano yun?" tanong ko.
"Basta tsaka na." sagot ni JV.
"Ay mga bakla PE nga pala first subject natin. Mag-retouch lang ako and pa-fresh." Paalam ni Belinda.
“Hindi ba dapat bakla after ng klase ka magpa-fresh?” tanong ni JV
"Ay hala sige mauna na kami ni JV" Sabi ko.
"Sasamahan ko muna si Deign." Sabay umangkla siya sa bisig ko. "Oh tara na."
At ayun na nga nauna na sila kaming dalawa ni JV sa PE Center tapos si Belinda naman ay bitbit ang kaniyang kit. Ang kikay talaga niya. Pero syempre I admire her kalinisan sa katawan.
Grabe yung prof. Maskulado tapos may itsura naman pero 'di yung mga tipo ko. Mukha siyang mga 35 ganun. Matangkad tapos sympre physically fit siya. At hindi rin po ako papatol sa parang tatay ko na. Para lang po malinaw tayo.
"Our lesson for today is contemporary dances."
Ayun lang 'di nag-fit yung lesson sa katawan niya. Kaya naman natawa ako.
So ayun discuss, discuss, origin, diffrent kinds of contemporary dances, and eto na nga nagturo na siya ng steps. May practice agad kami para sa practical next meeting.
So ako naman titimang-timang na 'di makasunod sa steps. Eh, malay ko ba sa PE. Actually ayoko sa PE. 'Di naman ako sporty, super artistic, dancer, or singer. Lahat na ng nasa PE wala sa akin, ganun. Pero syempre gusto ko fit ako and healthy. Oh, ‘di ba ang contradicting.
"You will have your performance next meeting. You have to show all the steps that I taught you today. Be creative with the steps and you have to make your own routine. I'll give the criteria next meeting. So for now we will have the pairing." Paliwanag ni Mr. RJ.
Shocks sino kaya makakapartner ko. Pustahan tayo yung mokong na si Mr. FC pa ang makakapartner ko.
Well 'di ako binigo ng tadhana. Yung partnering na naganap ay yung una sa list, ang kapartner ay ang nasa last. Tapos yung pangalawa, ang kapartner ay ang nasa second to the last and so on. Tapos ayun saktong-sakto talaga na siya ang natapat sa akin.
Para raw fair kaya ganun.
Hay ewan. Para sa akin, ang unfair.
Oy, grabe 'di ako umaasa na sana magkapartner kami nun. Grabe kayo. Wala, wala, wala.
Nagsungit ako tapos ayun humarap ako sa katabi ko sa kaliwa.
"Hindi ko rin ginusto na makapartner ka. Pero wala akong magagawa. Sino ako para suwayin yung prof natin." Biglang nagsalita si Mr. FC.
"Anong sinasabi mo diyan? Bigla-bigla ka na lang nagsasalita." Sabi ko.
Ewan ko ba mga bakla. 'DI mawala yung pagkamataray ko pagdating sa kaniya.
Ayan, tamang tingin lang sa amin sina JV at Belinda. For sure inaasar na nila ko nang malala.
"So you have 30 minutes more to talk to your partner or even to start practicing if you want to." Sabi ni Mr. RJ.
"Oy ano na sayang ang oras." Biglang ganun ako.
"Tapos ngayon nagmamadali ka." Sabi ni Mr. FC.
"Hoy importante kasi sa akin ang pag-aaral ko at ayokong bumagsak nang dahil lang sa ‘yo kaya let's do this na."
Ewan ko ba pero biglang napairap ako sa kaniya. Syempre let's be professional. Ihiwalay dapat ang studies sa personal issues.
SHOCKS BA'T KO SIYA INIRAPAN! Ang bitter ko masyado. Ang obvious; malala.
So tumayo na kaming dalawa.
"Ano na sasayawin natin?" tanong ko.
"Maupo muna tayo." Yaya niya.
"Eh ba't ka ba kasi tumayo?" medyo may pagkataray kong tanong.
'Di siya sumagot.
Aba himala.
"So yung Ballroom at Rumba lang ang pagpipilian. Mas ok kung yung Ballroom kasi mas mahirap yung Rumba." Suggestion ni Mr. FC.
"Sabagay. 'Di naman tayo dancers. So yung tinurong Ballroom na lang ni Sir."
Tumango siya.
Ba't ang hostile niya. May problema kaya siya?
"May pro –" agad kong pinutol yung sasabihin ko. "Never mind."
"So start na tayo?" tanong niya.
"Kung ready ka na."
So tumayo siya tapos inalalayan niya ‘kong tumayo. Iniabot niya yung palad niya pero syempre 'di ko hinawakan.
Kaya ko namang tumayo mag-isa.
Hindi ko alam kung pa’no ako kikilos. Sobrang awkward. Alam mo yung sa bawat attempt na maghahawak kamay kayo or hahawakan ka sa bewang ay may kuryente. Para akong kinukuryente. Para akong nakikiliti na ewan.
So ayun iniabot na niya yung kamay niya.
Sobrang naghehesitate akong humawak. Ewan ko. Nahihiya ako? 'Di ko talaga alam.
Hinawakan ko yung kamay niya.
Alam mo yung para akong na-stroke ng mga isang segundo.
Napatingin ako sa mukha niya. Poker face lang siya.
Humawak siya sa bewang ko.
MY GOODNESS! 'De kuryente ba 'tong taong 'to?
Napagilid ako nung humawak siya sa bewang ko.
"Ok ka lang?" tanong niya. "Bakit pulang pula ka?"
"Oo, ayos lang ako." Normal kong sagot.
SHOCKS! Nararamdaman kong namumula nga ako.
"Ilagay mo yung kanang kamay mo sa balikat ko." Utos niya.
So syempre iniangat ko yung kamay ko sabay lapat sa balikat niya.
'DI kaya hinaharass na ‘ko nito...
So in-apply na namin yung steps na itinuro ni Sir.
Naapakan ko yung rubber shoes niya.
"Hala sorry!" sabi ko.
OMG! Nagsorry ako sa kaniya!
"Ayos lang. Tuloy na natin."
So ayun nagpatuloy nga kami then after ilang minuto ay nag-ring na yung bell meaning tapos na yung PE time. Bumitaw na ‘ko sa kaniya
"Kailan tayo ulit magpapractice?" tanong ni Mr. FC.
"Sa Sabado na lang." Sagot ko. “Hindi na ako nakapag-isip kaya sumagot na lang ako kaagad.”
At wow! Siya pa talaga ang nagyaya ng practice? Anong nangyayari sa bad boy ng taon? Parang hindi ko ‘to nagugustuhan.
"Chat mo na lang ako."
"Sige." Sabay alis ko.
Kinuha ko agad yung mga gamit ko. Nagpunta na ko ulit sa dressing room tapos pumila kasi syempre ang dami naming nagpapa-fresh.
After nun ay bumalik na kami sa room. At katulad ng inaasahan ay tadtad ako ng pang-aasar nina JV at Belinda. Tapos gustong-gusto nila na magkwento ako. Ang sabi ko na lang ay nag-practice lang ta’s wala na. Professionalism as we should.
“Alam mo, bagay kayong dalawa.” Pang-aasar ni JV.
“Itigil mo na ‘yan bakla at tayo pa ang mag-aaway niyo.” Babala ko sa kaniya.
“Pero ang ayos niyong tignan kanina, ah. Parang ang payapa niyong dalawa. Tapos hindi kayo nag-away. Himala!” Puna ni Belinda.
Pero oo nga. Isang himala ang nangyari kanina. Pero syempre hindi ko na lang ikukwento sa kanila yung mga naramdaman ko kanina. Baka isipin pa nila ay may sparks kaming dalawa tapos mas lalo lang nila akong aasarin at i-sh-ship kay Grey.
So ayun walang imikan ang drama naming tatlo nina JV at Belinda. Naka-free seating arrangement kami kaya naka-by friends kami. Ang weird nga lang talaga today kasi hindi kami nagchichikahan.
May interaction lang kami kapag nagpapasa ng papel. Bukod dun wala na.
"Ba't ang baba ng aura mo?" bigla akong tinanong ni JV.
Muntikan pa kong mapamura nung na-realize kong kinausap ko siya dahil nagulat ako at hindi ko rin alam ang nangyayari sa sarili ko.
'Di ako nakasagot agad
Hala! Baka isipin niya ay iniisnob ko na siya ngayon.
“Sobrang inaantok lang talaga ako. Magkakape ako later.”
Napansin ko si Grey sa likuran.
Hala ano kayang meron? Kaniina pa kakaiba yung kinikilos niya. Ang firm niya ngayon. Sobrang 'di mo na ma-approach.
Nung lunch time (vacant period) namin ay sama-sama ulit kaming kumain. 'Di namin sinamahan mag-refill ng tubig si JV. Syempre pagkakataon na ‘yun na makapag-usap kami kahit saglit lang.
"Yung mga biblhin, ah. Tapos ako na bahala dun sa surprise na gift. Ikaw na dun sa surprise mismo. Para 'di tayo mahalata since pwede namang magawa mo na ang decor sa bahay tapos ako naman ay o-order na ng regalo." Paalala ni Belinda.
"Ok sige ako na ang bahala sa bahay. Tapos dapat may pakulo tayo." Suggestion ni ko.
"Siguro ano kaniya-kaniya muna tayo sa Friday. Walang pansinan at all. As in tayong tatlo. Patay malisya muna tayo." Naisip ni Belinda.
"Ay sige sige. Game, ah. Sa Friday." Sabi ko. “Pero 12 midnight natin siya i-surprise para sakto sa Saturday!”
Bumalik na si JV. Balik normal na kami. Parang walang nangyari at parang walang pinag-usapan.
"Alam niyo ba mga bakla ayoko na sanang kapartner sa ballroom si Mr. FC pero so far hindi kami nagkakaproblema. I wonder ano kayang binabalak niya." Bigla kong nabanggit.
"Hala may ballroom? Weh?" tanong ni JV.
"Oo bakla. Contemporary dance yung lesson sa PE natin ‘di ba? Nasa options yung ballroom. Nako hindi nakikinig. Panggigisa ko sa kaniya.
"True. Di ako nakinig kanina." Sagot ni JV sabay tawa. "Oh dali tuloy mo na chika mo."
"Alam mo yung sobrang awkward namin. Sobrang para akong hiyang-hiya hawakan yung kamay niya. Tapos para pa kong kinukuryente kapag hinahawakan niya ko sa bewang at sa kamay." Kwento ko.
Ayan na! Nasabi ko na sa kanila. Ayoko na. Ang daldal mo Deign! Nako!
"Hala bakla may sparks. Sobrang daming sparks." Wika ni Belinda.
"Tumigil nga kayo. Ba't ko naman magugustuhan yun?" medyo nagsungit ako.
"Ay hala siya. Meron ka?" Pang-aasar ni JV.
"Eh kasi naman. Ewan ko. Bahala siya." Sagot ko.
"Edi mas marami pang araw na magkakasama kayo kasi magpapractice kayo ayieeeeeeee!" wika ni Belinda.
Ayan na nga ang sinasabi ko. Nagsimula na sila.
"Ewan ko sayo bakla. ‘Wag niyo nga kami i-ship."
"Sus kung kailan nakahanap ng forever tsaka ini-ignore pero nung wala hanap naman nang hanap." Sabi ni JV.
"Studies muna." Sabay ngiti ko sa kanila.
"Sus! Studies daw muna. ‘Wag kami bakla." Sabi ni Belinda.
"Tsaka na ‘yang pag-ibig na ‘yan. ‘Pag dumating edi tignan natin." Sabi ko.