Chapter 32

1217 Words
Chapter 32: Destiny Grey’s POV Present Day Nagising ako. "Nangyari na yun ah! Kaya nga lang ..." sabi ko. Alam kong nasa ospital ako. Alam ko kung ano ang nangyari sa akin. Nawala na ang sakit ng ulo ko. Naaalala ko na ang lahat mula pagkabata ko hanggang sa araw ng aksidente. Kaya pala simula nung maging magkaklase kami ay parang kilalang kilala ko na siya pero hindi ko alam kung bakit. Dumating si Mama at si Deign. "Tita! Gising na po si Grey!" At nagmadaling lumapit sa akin si Mama at niyakap ako. "Salamat naman sa Diyos at okay ka na." tuwang tuwa si mama. "Sabi nung doktor wala ka naman daw sakit. Ok ka naman daw. Pero totoo ba anak na nakakaalala ka na?" "Wait tita! May amnesia po si Grey?" Tanong ni Deign. "Opo nakakaalala na po ako. Simula pagkabata ko hanggang sa mismong araw ng aksidente." "Wait tita. Pano po nangyari yun? Bakit siya nagka amnesia?" tanong ulit ni Deign. "Subukan mong alalahanin Deign." Sabi ni mama. "Bakit ako po? Eh apat na taon ko pa lang naman siyang kilala eh." Napaisip si Deign. Feeling ko medyo sumasakit na rin ulo niya. "Tita. Ikwento niyo na lang po. Wala naman akong naaalalang aksidente niya simula nung nag high school kami." "Kasi hindi naman yun nung high school tayo. Nung Elementary pa yun. Grade six tayo." Sabi ko. "Tayo? Grade six? Sige na ikwento niyo na. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip." "Ikukwento ko na ba ma?" tanong ko kay mama. "Hayaan natin siya mag-isip para makaalala na rin siya." "Ano pong makaalala? May amnesia rin po ba ako? Kasama ko po ba siya sa aksidente?" panay tanong ni Deign At nangyari rin sa kaniya yung nangyari sa akin kagabi lang. Makakaalala na rin siya! Deign’s POV Naalala ko yung dalawang letter sa akin ni Grey nung Grade six kami. First letter: I always think of you before I fall asleep. The words you said, the way you looked. The things we laughed about, the silent memories we shared. And when I dream, I'll dream of you. Because it's about you, it's always about you. I chose to love you in silence, because in silence I find no rejection, and in silence no one owns you but me. I fell in love with your courage, your sincerity, and your flaming self respect. And it's these things I'd believed in, even if the whole world indulge in wild suspicions that you were not all you should be. I love you and it's the beginning of everything. -based on F. Scott Fitzgerald Napaka dense mo talaga! Bagay sayo yung pangalang Ms. Dense!!!!! Second letter: Making me jealous will only push me away from you. It won't make me want you more. I'm not very competitive, if I see someone who's making you a lot happier than I am, I'll back up because I'll assume you want that person a lot more.Although it'll hurt seeing someone other than me make you happy. I'll leave it to them to keep you entertained. I don't like the feeling of being unwanted or being just second best. I am a very jealous person and I hate it. At yung dalawang letter na yun ang nagtulak sa akin para mag-isip isip sa tunay kong feelings para sa kaniya. December 22, 2009 ay tinawagan niya ako. Wala daw siyang magawa so niyaya niya akong mag mall and pumayag naman ako. Kumain kami sa KFC, bumili kami ng ice cream, nagvideoke kami, at nanood sa sinehan. Nung nasa sinehan kami ay di ko mapigilang kiligin. Ewan ko ba kung bakit, siguro nga mahal ko na rin siya. Pero napakabata pa namin at sa tingin ko puppy love lang yon. Sa loob ng sinehan ay naramdaman kong safe ako sa kaniya, na hindi niya ako papabayaan. Hindi niya hahayaang matakot ako, malungkot ako, masaktan ako, at maiwan mag-isa. Doon ko lang sa sinehan naprove na isa siyang matinong lalaki. Why not na ang puppy love ay patibayin hanggang sa maging true love diba. Nung gabi kasi bago kami lumabas ni Grey ay humingi ako ng sign kay Lord. Kapag niyaya niya akong lumabas or ilibre ay sasabihin ko na sa kaniya na gusto ko siya. CLARIFICATION: Gusto hindi mahal. So nung lumabas kami ng sinehan ay di ko na napigilang magtanong sa kaniya. At simula ng araw na iyon ay naging kami na. Pero sabi nga nila kung sobrang saya mo ng umaga, humanda ka dahil kung gaano ka kasaya kanina magiging ganun ka kalungkot mamaya. At nangyari na nga ang nangyari. Grey’s POV Monday "Buti naman at gising ka na!" sabi ko sabay tawa. "Ikaw naman ngayon ang nakahiga." "Oo naaalala ko na ang lahat. Yung mga kadramahan mo naaalala ko na rin." At nginitian niya ako. "Kung ganon pala mag fo-fourth anniversary na pala tayo sa December." Sabay tingin niya sa pendant na iniregalo ko sa kaniya. "Ganun na nga Mrs. Dense." At niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Nung sinabi ng mama ni Deign na pwede na siya madischarge ay dumiretso agad kami sa bahay namin. "Tara pumunta tayo sa tree house. Marami ako sa iyong ipapakita." At sumunod na lang sa akin si Deign. At umakyat na kami sa tree house. Pagkarating namin doon ay agad kong nilapitan yung baul sa may gilid. "Anong meron diyan?" tanong ni Deign. "Napakatagal ko na nga itong hindi nabubuksan eh. Simula Grade six pa." "Ahh naaalala ko yang baul na 'yan!" sabi ni Deign. "Jan natin nilalagay yung mga souvenir items natin at yung mga pictures natin." "Ganun na nga." Sabi ko. "Pero nakapadlock. San ko ba nilalagay yung susi nito?" At nag-isip kaming dalawa. "Sa loob ng cellphone ko! Meron akong nakitang susi sa loob nun nung nagpalit ako ng battery at sim." muli kong naalala. At agad akong pumunta sa bahay at kinuha ko yung cellphone ko. Pagkabalik ko sa tree house ay tinanggal ko yung case ng phone ko. "Yung susi!" At kinuha ko agad ito at binuksan ko yung baul. "Tignan mo 'tong bola oh. Ito yung ginamit ko sayo para batuhin ka." "Eto pa ohh! Yung stuffed toy na ibon. Panakot ko sayo lagi sa gabi." At sabay kaming tumawa. "Tignan mo rin tong ginawa nating art work nung elementary. Nainis tayo sa teacher natin kaya binaboy na lang nating dalawa." At lalo pang lumakas ang tawanan namin. "At ito pa oh! Yung sapatos mong nagsasalita na." sabay buklat ko dun sa swelas nung sapatos niya. "Eh tignan mo naman tong sayo nagugutom na!" At sabay buklat niya rin sa sapatos. "Tignan mo itong family picture natin oh. Kasama pa Papa mo rito." Sabay pinakita ko sa kaniya yung litrato. "Namimiss ko na si Papa. Kailan kaya siya babalik?" "Babalik rin siya. Maghintay ka lang." "Uy tignan mo itong picture nating dalawa nung nasemplang tayo sa bisikleta. Naalala ko nun inangkas mo pa ako sa bike mo eh hindi ka naman pala marunong mag bike." "Nakakahiya naman kasi. Ako hindi marunong magbike tapos ikaw kaya mo." At lahat ng mga gamit at pictures na nandoon ay pinagkwentuhan namin. Magmula sa pinaka lumang bagay hanggang sa pinakalatest. Tama nga ang sabi nila. Kay sarap balikan ang masasayang pangyayari ng nakaraan at Love is sweeter the second time around.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD