Chapter 35: Happy Together
Deign’s POV
First Day of our Christmas Break.
Nag-usap usap kami nila Grey at JC na mag-enchanted kingdom kami.
Ito pa lang si JC ay miss na miss na si Jayvee at ang hindi namin alam ay nung simulang umalis si Jayvee at patuloy pa ring nagkukwento si JC sa kaniya sa messenger.
So nagready na kaming lahat at nagtipun tipun kami sa bahay namin. Grabe tumangkad pa lalo si JC.
"Oy Grey! Mag cherifer ka pa ah." Sabi ko.
"May problema ka ba sa height ko?" tanong ni Grey.
"Okay naman yung height ni Grey ah." Sabi ni JC.
"Sige tama 'yan pagkaisahan niyo ako."
At nagkatinginan sina Grey at JC. Mukhang nagkakaintindihan sila. May binabalak ata tong dalawang to. Biglang may kumatok.
"May door bell kami." Sabi ko.
"Ay sorry! Kita ko nga." Then nagdoor bell siya.
Nung nagsorry yung kumatok ay parang pamilyar yung boses niya. Isang boses na matagal ko ng hindi na naririnig. Isang boses na pagmamay ari ng isang taong napakalapit sa akin.
"Boses ba yun ni Jayvee?!" Napasigaw ako at sabay karipas ng takbo para pagbuksan ng pintuan si Jayvee. Pagkabukas ko ng pintuan ay si Jayvee nga!
"Nandito si Jayvee!" sigaw ko. Napakasaya ko nung makita ko ulit yung mukha niya. Medyo napapaluha na rin ako kasi miss na miss ko na siya. "Buti naman at nagpakita ka sa amin. Magagalit na sana ako sa'yo eh." At lumapit sina JC at Grey.
"Syempre kayo ba naman di ko matitiis. Miss na miss ko na kayo!" sabi ni Jayvee.
Bigla siyang niyakap ni JC.
"Akala ko di ka na babalik. Dito ka na ba ulit titira?" tanong ni JC kay Jayvee.
"Dito lang ako mag ki-christmas break pagkatapos nun babalik na ako sa US."
At mas hinigpitan ni JC yung pagyakap niya.
"Miss na miss na kita! Bakit di ka man lang nagpaalam ng personal sa amin?"
"Sus! Nako nagdadrama ka na naman. Gusto mo lang ng kiss ko eh!" patawa ni Jayvee.
"Oo nakakamiss yung kiss mo."
Kinilig ako nung sinabi yun ni JC. Ibig sabihin yung birubiruan na love team nila, ngayon totohanan na? Aba matinde! And nagkiss sila for a second.
"Grabe naman!" sabi ko.
"At sa wakas double date na tayo ngayon." Sabi ni Grey.
"Tara na sa EK!" At sumakay na kami sa sasakyan nila Deign.
Habang nasa sasakyan kami ay di natatapos ang tawanan namin dahil kay Jayvee.
"Alam niyo ba, nakameet ako ng isang napakagwapong Amerikano! Napaka hot niya!" pagdedescribe ni Jayvee.
"Ano kayo na ba? Kakalimutan mo lang yung atin?" tanong ni JC.
"Aba syempre hindi! Kabit ko lang siya." At sabay ngiti niya. "Oh kamusta naman kayo ni Deign?" tanong niya kay Grey.
"Ok naman kami. Standing strong." Sagot ni Grey.
"Edi kayo na! Pake ko sa inyo. Sisirain ko kayong dalawa." Pagbibiro ni Jayvee. " At tsaka aagawin ko sayo si Grey, Deign."
"Aba ge go lang! Sa akin na lang si JC." Pagbibiro ko.
"Ay teh subukan mo lang. Tatanggalin ko isa isa yang kilay mo. Pati na rin yang bangs mo."
"Sige tanggalin mo yung bangs ko kahit wala."
"Grabe teh di na kaya ng Gums ko makakagat na kita."
At nagtawanan kaming lahat.
Nagdrive thru kami sa McDonald's at pagkatapos ay tumuloy na kami ng diretso sa EK. Pagkarating namin sa EK ay nagpatatak na agad kami. Nagsisimula ng dumami ang mga tao.
"So ano ang una nating sasakyan?" tanong ni Grey.
"Siguro magcarousel muna tayo." Sabi ko.
"Ikaw mag-isa hintayin ka namin dito." Sabi ni Jayvee
"Edi wag! Oh ano una?" tanong ko.
"Sa tingin ko mag roller coaster muna tayo." Suggestion ni JC.
"Ayan roller coaster daw sabi ni babe ko. Gora na!" sabi ni Jayvee
"Oh tara na sa Space Shuttle." Sabi ni JC.
At pumunta na kami sa Roller coaster. Ayoko talaga sa roller coaster pero alangan namang magdrama pa ako sa harapan nila at baka masabihan pa nila akong KJ. Ok na yun! Katabi ko naman si Grey eh.
At sumakay na kami sa roller coaster. Nasa may bandang dulo na kami. Katabi ko si Grey. Nagsimula na akong kabahan. Para bang masusuka na ako. Para bang di pa nga nagsisimula gusto ko ng bumaba. Ayoko talaga ng ganitong feeling.
At nagsimula ng umandar yung roller coaster. Napatili agad ako.
"Waaaaaaaaaaaaaaaaah!" tili ko. Nakakahiya ako. Pero di ko mapigilan. Sobrang natatakot na kasi ako. Nanginginig na rin yung tuhod ko.
At ayan na! Bumilis na ang takbo. Nagpaikot ikot na kami. Puro tili na lang ang naririnig ko at mas lalo na yung tili ni Jayvee ay rinig na rinig ko. Pero itong si Grey parang di na ata humihinga. Di ko man lang siyang marinig na tumili o sumigaw. Naramdaman ko yung kamay niya na ang higpit ng kapit sa kamay. Baka mamaya sumabog na ito. Pero ako ang sumabog at hindi si Grey. Nung nasa fourth loop na kami ay di ko na napigilan ang sarili kong sumuka. Napatingin ako sa ibaba. Ang dami kong nasukahan. NAKAKAHIYA!!!!!!
"KADIRI! SINO YUNG SUMUKA!" sigaw ng mga tao.
Nagwalang kibo na lang ako.
"Ok. Walang nangyari. Hindi ako sumuka." At ngumiti na lang ako. Pero sandali lang yung ngiti ko dahil napatili na naman ako ng sobrang lakas.
Hay salamat at natapos din.
"Hindi na ako babalik diyan!" sabi ko.
"Edi wag." Sabi ni Jayvee.
At naririnig ko pa rin yung mga sinasabi ng tao tungkol dun sa sumuka. Hindi ko na lang sila pinakinggan.
"Oh sa Anchor's away naman tayo!!!!" yaya ni Grey.
"Sounds good!"
"Ayoko rin sa Anchor's away ehh." Bulong ko sa sarili ko.
"Eh bakit ka pa sumama dito? Diba nga mag-eenjoy tayo. Smile ka na." sabi ni Jayvee.
"Oh sige na nga." At ngumiti na ako.
Inenjoy ko na lang ang lahat ng rides na sinakyan namin. Hindi na ako nasuka. Lahat kami ay masayang masaya. Nagpicture picture kami bago kami sumakay sa isang ride. Nagroufie din kami habang naglalakad at kumakain.
"Grabe nakakapagod!" sabi ko.
"Edi uminom ka ng tubig." Sabi ni Jayvee.
"Kanina ka pa ah! Bakit ang init ng ulo mo?" tanong ko.
"Jan ka na nga." At umalis na si Jayvee.
"Oy san ka pupunta!?"
Pero di na siya sumagot. Ano bang nagawa ko? May nasabi ba akong masama. Bakit siya nagalit sa akin? Anong problema nun?
At sinundan siya ni JC.
"Oh ito na yung pizza!" sabi ni Grey. "Oh nasan na sila Jayvee at JC?"
"Ewan ko. Di ko alam sa kanila. Bahala sila."
"Ano bang nangyari?" tanong ni Grey.
"Ay ewan ko dun kay Jayvee."
"Ganyan ka naman eh. Jan ka na nga." At iniwan rin ako ni Grey.
"Ano bang problema niyong lahat!" Nagtinginan sa akin yung mga tao. Kinain ko na lang yung pizza mag-isa.
Nung tumagal tagal na na hindi pa sila bumabalik at maggagabi na ay kinabahan na ako.
"Iniwan na ba nila ako dito?" tanong ko sa sarili ko.
Tinawagan ko si Jayvee pero hindi siya sumagot. Tinawagan ko si JC pero cannot be reach. Tinawagan ko si Grey pero nagriring lang. Nainis na ako sa kanila. Biglang may nagtext. Number lang ang nakalagay. At hindi ko kilala kung kaninong number yun.
Just follow the pink lines. Yun yung laman nung text. At lumingon lingon ako sa paligid. Nakakita ako ng isang pink arrow at sinundan ko iyon.
"Saan naman papunta 'to?" tanong ko sa sarili ko.
At sinundan ko lang iyon. May nakita na naman akong pink na arrow and syempre sinundan ko iyon. Sinundan ko lang ng sinundan yung mga pink na arrow hanggang sa nakarating ako sa isang stall ng Blue Magic. Pagpunta ko doon ay may nag-abot agad sa akin ng isang malaking paper bag at boquette of flowers. May nagtext na naman sa akin.
Just follow cupid's arrow.
May ganito ba talaga sa EK? Hindi ako nainformed. Ano ba kasing meron?
At nagmukhang si Dora na naman ako. Hindi na keri ng pilik mata ko, isa isa ng nalalaglag. At nag end ako sa ferris wheel. Sa isang napakataas na ferris wheel.
"Ma'am sakay na po kayo." Sabi ng isang babae na nag-ooperate nung ferris wheel.
"Bakit ko po kailangan sumakay?" tanong ko dun sa babae.
Pero hindi na sumagot yung babae so sumakay na ako. Nung papalapit na ako ay nakita ko si Grey sa loob.
"Grey! Nandiyan ka pala!" sigaw ko. At nagmadali na akong pumasok sa loob at umupo.
"Nasan sila Jayvee?" tanong ko.
"Nasa kabila." Sabay turo niya sa harapan namin.
"Ikaw ba may pakana nito?" Hindi siya sumagot. At umandar na yung ferris wheel. Nagsimula na kaming umangat. Biglang tumugtog yung kanta ni Yeng na Ikaw.
"Ano pa bang makikita natin dito eh ang dilim dilim na."
Di na naman ako pinansin ni Grey. Nung nasa may taas na kami ay tumayo siya.
"Halika. Tumayo ka Deign." Sabi sa akin ni Grey.
Kanina pa ako nagtataka dito kay Grey. Ibang iba siya ngayon. Para bang naging seryosong seryoso siya. At tumayo na ako.
"Ano meron?" tanong ko. Biglang nagpalit yung music sa You are In love by Taylor Swift. Nadala ako nung kanta. Naalala ko yung mga unang pangyayari sa amin ni Grey nung naging kami na. Naalala ko rin yung mga araw na nalilito pa kaming dalawa sa nararamdaman naming dalawa. Yung mga araw na parehas na pala kami ng nararamdaman sa isa't isa. At yung araw na inamin na namin sa isa't isa yung nararamdaman namin.
You can hear it in the silence. You can feel it on the way home. You can see it with the lights out. You are in love.
Yun yung part ng kanta na nadala ako at natamaan talaga ako. I am really in love.
Biglang may narinig akong mga putukan. Then suddenly nakakita ako ng fireworks display. Napakaganda ng mga kulay. Buti na lang at medyo mataas na kami kaya ang ganda ng view. Nagkagoose .w3bumps ako sa sobrang ganda nung fireworks display. Sabay na sabay sa kanta sa labas. Nakakarefresh ng pakiramdam yung fireworks display. Nakakawala ng pagod. Nakakapagbigay saya. At biglang may napansin ako. May mga words na nabubuo sa fireworks.
"Happy."
"4th."
"Anniversary!"
"Nako ang talino mo talaga. Nagreready na ako para sa 22 para di mo ako masurprise eh."
At biglang napaharap ako kay Grey at ganun din siya. Tinitigan ko siya sa mata at tinitigan niyarin ako. Na-electrify yung buo kong katawan. Para bang ipinapasa niya sa akin yung nararamdaman niya through eye contact. "I love you Mrs. Dense!" sabi ni Grey. "Forever and for always."
Napaiyak na lang ako bigla. Natouch ako sa ginawa niya. Sobrang saya ko sa ginawa niya.
"Wag mo kong sasanayin ng ganito. Nako! Bako hanap hanapin ko na'to sige ka."
Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko. Hinawi niya ang buhok ko papunta likod ng tenga ko. Hinaplos niya yung mukha ko at binack hug niya ako. Tumaas ang balahibo ko sa ginawa niya. Para bang gusto ko na siyang halikan. At patuloy naming pinanood yung fireworks display.
"Salamat sa lahat ng effort mo Mr. Dense. Salamat sa pag-intindi mo sa akin palagi. Salamat sa pagtitiyaga mo sa akin. Salamat sa pag-aalaga sa akin. Salamat sa pagpapasaya sa akin." At lalo pa akong naiyak dahil nagsimula ng magflashback sa utak ko ang lahat ng memories namin in the past. "Napakaswerte ko sa'yo Grey. Kaya nga minsan naitatanong ko sa sarili ko kung deserve mo pa ba ako."
"Oo naman! Wag ka ngang magsasalita ng ganiyan. Mahal na mahal kita wag mo iyong kakalimutan. Hindi kita sasaktan at iiwan. Walang iwanan hah." Niyakap ko siya bigla. "Oo walang iwanan!" At niyakap niya ako pabalik.
Nakita ko si Jayvee at JC na nakatitig sa amin at tuwang tuwa so nginitian ko rin sila. Sumenyas si Jayvee ng kiss. Hinalikan ko na lang bigla si Grey. Bigla niya akong hinawakan sa bewang ko. Para akong kinuryente na ewan. Naramdaman ko yung spark sa dulo ng mga daliri niya. At hinalikan niya rin ako. Naiyak na lang ako sa tuwa. Napakalambot ng labi niya. Well... I must say na he's a good kisser.
"I love you too Mr. Dense!"