Chapter 47: Searching For You Grey’s POV One year later... Naghintay ako ng naghintay at sa wakas ay lumipas na ang isang taon. Hindi ako sumuko. Tinulungan kong mag-ipon sila mama kaya naman nag-waiter ako sa resto namin habang nag-aaral. Nakuha na namin ang visa namin at nakabili na rin kami ng plane ticket papuntang US. At nagempake na kami ng gamit. Sumakay kami ng taxi at dumiretso na sa airport. "Konti na lang Deign! Malapit na ako." At mas lalo akong nabuhayan ng loob. "Makikita na ulit kita." Sumakay na kami ng eroplano at nagsimula na ang aming biyahe papuntang US. Habang bumibyahe na kami ay nag-usap kami kung paano namin mahahanap si Deign. Tinawagan na kasi namin si Jayvee pero hindi na iyon ang number niya. Nagresearch na rin ako at baka sakaling may mahanap ako. Tinigna

