Chapter 9: Play With Me
Grey’s POV
We will know na kung ano ang hatol ng admin sa “org” namin. I guess nakatulong yung pagkakalipat ko sa section 1. Hanggat walang nakakarating sa admin na mga kaso, ayos kami. Subukan lang nila Elixir, pare-pareho kaming mabubura sa paaralan na ito.
For formality lang naman itong sa school. Outside of it ay mayroon pa naman kaming ganap which is labas na ang paaralan si hindi nila alam. Doon nangyayari ang maraming bagay.
Kaso ano naman ngayon? Ganiyan ang nararamdaman ko ngayon kaya ganiyan ang tanong ko sa sarili ko. Not excited really pero kailangan lang talagang malaman. At wala naman talaga akong paki sa mga magiging miyembro namin. I mean, members na walang dulot, ah. Don’t get me wrong.
Buti na lang ay na-ha-hype ako nila Rence sa “initiation” namin. Something na taon-taon naming inaabangan at pinaghahandaan. Next time ko na lang ikuwento ang naging experience ko at kung paano ako naging leader nung naglaon.
Nagulat ako nang tumakbo yung dalawa papasok sa campus. Mukhang sobrang excited silang malaman ang napasa nilang club at org. Kung 'di lang siguro sana nawala yung best friend ko. Sana may kasama ako hanggang ngayon. May kasama ako papasok. Sabay naming tutuparin yung pangarap namin. Ang saya siguro nun. Kaso wala na siya, eh... 'Di naman siya namatay. Lumipat lang siya ng ibang school at matapos nun ay tuluyan nang naputol ang komunikasyon naming dalawa. Ang tagal ko na rin siyang 'di nakakausap o 'di kaya ay nakikita.
Hindi ko alam, eh. Ang alam ko galit ako sa kaniya pero sa ngayon mas nangingibabaw yung pagkakaibigan naming dalawa na mukhang ako na lang ang nakakapit. Masyadong one sided. Masokista, eh. Ano pang magagawa ko? Ganun ako sa mga taong mahalaga para sa kin, eh. Patuloy na kakapit kahit sobrang masakit na. Kahit na wala na. Kahit na tapos na.
May isang patak ng luha ang tumulo mula sa kaliwang mata ko.
"Para sayo rin 'to Bro! Ako na ang tutupad sa pangarap natin. Kayang-kaya 'to!"
Hay ang drama ko. Kaya ayokong tumitingin sa ulap, eh. 'Di ko rin alam pero kada napapatitig ako sa ulap parang instant na nagiging emosyonal ako. Parang lahat nang nangyari sa past ay bumabalik at minumulto ako.
Pero siguro ang mahalaga ay ang ngayon. Yung mga taong kasama ko ngayon at tingin ko ay pinahahalagahan ako. Hindi pa rin naman nawawala yung pangarap kaya ayun na lang ang itutuloy ko. Kahit para sa sarili ko na lang.
*Flashback*
Simula elementary magkaklase na kami ni Paul. Grabe nga, eh. Sobrang nakakaewan na Paul pa talaga ang pangalan nung makakasama ko sa school na ito araw-araw. Magkapareho kasi kami ng apelido kaya lagi kaming magkatabi kapag naka-alphabetical arrangement kami. Kaya naman doon nagsimula ang lahat.
Nung grade one ay puro lang kami laro. Puro avatar kami yung tipong kada uwian ay naglalaro kami na kunwari ay may powers kami ta’s nakakapag-bending kami. Tapos nung grade four ayun Ben 10 na. Gusto niya siya si Ben tapos ako naman papalit-palit. Minsan si Gwen. Minsan si Kevin. Minsan si Lolo Max. Ayun para tuloy akong timang. Gusto ko masaya lagi yung mga tao sa paligid ko kaya kung saan sila masaya ay doon ako.
Lalo na't nung grade five ako ay namatay yung mga lolo at lola ko sa isang aksidente. Sobrang blangko ng mundo ko nun. Wala na akong maintindihan kaya kumapit lang ako kay Lord. Sila ang nagpalaki sa akin at sobrang close ko talaga sa kanila.
Buti na lang ay nandiyan naman si Paul para pasayahin ako parati sa tuwing nalulungkot ako at nagkukulong. Magkapatid at magkaibigan kaming dalawa para sa akin. Pero ewan ko, that's how our friendship works.
Hanggang sa ayun nag-high school na kami. Magkaklase pa rin kami. Pinapaaral ako ng magulang ko na nasa states. So ayun mas tumindi yung mga kalokohan namin at mga trip pero 'di kami nag-c-cutting o naninigarilyo o nam-bu-bully. Nanch-chiks lang kami.
Nakita ko rin yun nung first time na umiyak-iyak at magdrama nung Grade 8 kami kasi pinagpalit siya nung ka MU niya. Tawa ako nang tawa, grabe. Pero ayun nagantihan ako ng loko. Pinagtawanan din ako nung na-busted ako.
Nung Christmas break nung Grade 8 kami ay pumunta ako sa bahay nila at tumambay kami sa rooftop garden nila.
Isang napakahabang gabi para sa amin dahil kwentuhan lang kami nang kwentuhan. Yung para bang sa isang iglap ay ang tatanda na namin mag-isip. Nakahiga lang kami sa banig tapos nakatingin sa ulap. Lahat ng pangarap namin at mga balak sa buhay ay napagkwentuhan din namin.
Sobrang hinding-hindi ko malilimutan ang gabing iyon. Para bang naging responsable at matinong-matinong tao ako at siya.
Nakita ko rin yung side niya na seryoso at mapagmahal sa pamilya. Nung mga panahon na kasi na iyon ay may sakit yung mama niya. Ayun pinapakalma ko siya at sinasabihang magiging ok din ang lahat.
Hanggang sa isang araw 'di siya pumasok nung Grade 9 na kami. So pinuntahan ko siya sa kanila. Pero wala na raw sila. Lumipat na raw sila ng tirahan. Umalis na sila nung kinagabihan pa.
Sobrang nanlumo ako. Nalungkot ako. Parang namatayan ulit ako ng tinuturing kong magulang. Sobrang 'di ko na alam kung anong dapat kong maramdaman. Namanhid ako. Umuwi akong umiiyak.
Patuloy pa rin ang buhay ko. Nung umpisa syempre balisa ako parati. Pero nakaya ko naman. Kaso may namuong galit talaga. Tanggap ko pa sana kung nagsabi man lang siya o 'di kaya ay tinawagan niya ako. Kaso hindi, eh. Walang kahit ano. Basta nawala na lang siya bigla. Para bang wala ka lang sa kaniya o kaya ay wala ka talagang halaga. 'Di ko napigilang mag-over think.
At nung nasa Grade 10 naman ako ay namatay naman yung katulong kong nag-aruga sa akin simula nung mamatay sina lolo at lola. Wala na. Sobrang down na down na ako nun. No one came para i-comfort ako except sa ilang mga naging bagong kaibigan ko.
Kaya nag-decide ako nung Grade 11 ko na may iba naman akong gawin at tumanggap ako ng responsibilidad. At dito ko na nahanap yung mga taong mapagkakatiwalaan ko talaga. Tapos kasama ko sa lahat ng trip at kalokohan.
*End of Flashback*
Bago ang lahat ay naisipan kong puntahan muna sina Kyle at Jen. Nakalimutan kong may dala nga pala akong agahan para sa kanilang dalawa.
"Magandang umaga!" masayang bati ko sa kanila sabay yakap ko sa kanila.
Hindi ko alam kung bakit pero ang saya-saya ko kapag nakikita ko silang masaya. Nakahanap ako ng isang munting pamilya sa kanilang dalawa. Kahit na ganun ang itsura nila na mukha talagang kapos palad at walang ligo except kapag umuulan eh natitiis ko pa rin silang mayakap.
"Hello Kuya! Buti dumating ka na. Gutom na gutom na kami, eh." Sabay hagod sa tiyan ni Jen.
"Wala na yang gutom-gutom na yan dahil nandito na ‘ko." At kinuha ko na yung pagkaing dala-dala ko.
"Hala Spaghetti!" masayang sinabi nina Kyle at Jen.
Iniabot ko na sa kanila ang pagkain.
"Ayan ubusin niyo, ah. Pakabusog kayo."
"Maraming-maraming salamat po talaga, Kuya!" wika ni Kyle.
"Hulog po kayo ng langit. Tsaka kung papipiliin po ako ng tatay o kaya kuya eh kayo po ang pipiliin ko." Dagdag ni Jen.
Bigla akong parang kinuryente. Natamaan ako nang husto sa mga sinabi ni Jen. Oo naoverwhelm ako. Naramdaman ko yung kasiyahan nila tsaka pagmamahal nila. 'Di ko napigilang maging emosyonal. Kung sana nga lang nakaramdam ako ng pag-aaruga ng isang magulang. Kung may kapatid lang din sana akong tinutulungan ako. Kung may kahit sinong tao man lang na sana may pakialam sa akin...
Ayan ang drama ko na naman tuloy. Kahit na nakamove on na ko ay ang dami pa ring 'what ifs', bakit, ano, sino, paano, kailan, at kung anu-ano pa.
Niyakap ko silang dalawa.
"Salamat dahil hinayaan niyo kong magpakakuya sa inyo. Salamat dahil kayo yung isa sa mga dahilan para magsumikap pa ko lalo."
Naiyak si Jen habang ngumunguya.
"Kuya naman eh!" at patuloy pa rin siyang umiiyak. "Salamat sa lahat lahat ah."
"Oh siya walang anuman. Kailangan ko na nga palang pumasok. Sige mag-iingat kayo ah. Paalam!" sabi ko.
"Ingat ka rin Kuya!" sabi ni Kyle.
"Bye!" sabi ni Jen.
So nagmadali na rin akong maglakad para pumunta sa may bulletin board kung saan nakapost yung list ng clubs at orgs.
“Yes!” Masayang-masaya akong makita ang pangalan ng org namin sa list. Dumiretso na ako sa room namin nang nakangiti.
Balak ko sanang lapitan at kausapin si Deign kaya lumabas ulit ako ng room at pinuntahan ko siya sa may bulletin. Pero iniwasan niya ako nung malapit na ako sa kanila. Umiba siya ng daan.
Nakaramdam ako ng inis. Na-offend ako.
Nakapag-isip tuloy ako bigla ng ideya. Kaya lumayo na siya nang lumayo dahil ako ang magiging linta sa buhay niya.
Siguro gumawa tayong ng testing today. Ano kayang pwedeng magawa?
Inutusan ko si Kiel na kunwari ay pinapatawag si Deign sa Principal’s office. Tapos masasalubong niya si Rence at sasabihin niya na hinahanap siya ni Mrs. Francisco. Alam na nila ang dapat gawin.
Nag-text ako sa kaniya na gawin na niya at pumunta na siya sa room hanggat wala pa ang teacher namin sa 3rd subject kung saan absent siya kahapon.
Wouldn’t it be nice na ma-late siya ng ilang minuto? Para naman ‘di ba sobrang tumatak siya sa teacher namin.
“Good morning!”
Napatingin ang lahat kay Kiel sa may pintuan.
“Sino po si Deign Galvez?”
Biglang nagkantsawan ang buong klase.
“Ayieeeeee!” Pang-aasar ng lahat.
“Ako po! Bakit po?” tanong ni Deign sabay tayo niya sa kinauupuan niya.
Sumenyas si Kiel na pinapalapit si Deign sa kaniya.
Ito na ang simula. Gagawin nating puno ng ganap ang buhay niya. This trial is for free. Hindi ka nga lang makakapag-end ng subscription dahil for eternity na ito.
Natanaw ko na naghiwalay na sila ng landas. Mukhang papunta na nga si Deign sa Principal.
Ang galing talaga niya. Well, basic pa lang naman kasi ‘yun pero alam ko ang kakayahan niya. Alam ko ang kakayahan ng tropa. Wala na siyang kawala. Ayaw niya ng isang sorry? Damihan natin siguro. Yung paulit-ulit. Yung siya na ang magsasawa.
Dumating na ang teacher namin at tulad kahapon ay kaagad siyang nagsisimula sa lesson niya matapos mag-attendance.
“Deign Galvez.” Banggit niya sa pangalan ni Deign.
“Sir, nag-CR lang po!” Sagot ni JV.
Sinalo siya ulit ngayon ni JV tulad kahapon. Kaso yung kahapon ay hindi na bumalik sa klase sina Deign.
“Kahapon pa siya nasa CR? Baka nilamon na ng inidoro yung kaibigan mo.”
Natawa ang buong klase.
Pero nabanaag ko na kabado si JV kasi kahapon ay hindi bumalik sina Deign tapos baka maulit ito ngayon.
“Sige lang. Tagalan mo pa. Take your time.” sabi ko sa sarili ko patungkol kay Deign.