Chapter 21

2081 Words
Chapter 21: New Leaf Deign’s POV Ipinasok ko na sa loob ng dorm niya yung gamit ko. Maayos naman sa loob. Hindi makalat. Parang hindi mo aakalaing lugar niya dahil sa pagkatao niya ay mukhang hindi naman siya ganun. Pero judgemental lang talaga ako. Kaya naman ngayon pa lang naiilang na ‘ko. Bakit kasi sa lahat ng kaklase namin ay siya pa ang naging kapareha ko. Tapos ngayon, ito, siya ang kasama ko tapos sa lugar pa niya. Buti na lang at hindi natanong ni Mommy kung ilan kami. Ang tinanong niya lang ay kung saan at kaninong lugar. Dahil kung hindi, alam kong hindi talaga ako papayagan ni Mommy. Kung ano-ano na kaagad ang maiisip nun. Ah hindi! Relax lang tayo. Dapat kunwari wala lang sa 'kin. Dapat siya yung mas maasar. Hindi pa siya nakakabawi sa pagsira niya sa surprise namin. Kaso may atraso nga rin pala ako sa kaniya. Pero actually napatawad ko na siya. Sadyang bini-big deal ko na lang. Hindi ko alam kung bakit. Gusto ko siyang mas mainis. Ayokong mawala yung ganito. At ayun nga, sobra pa ata ang pagganti ko dahil sa mga nasabi ko sa kaniya. "Are you sure that you can manage your things?" tanong ni Mommy sa akin. "Yes. Thanks Mommy." "Ok we'll go ahead. The delivery is in 20 minutes." "Thanks Mommy! Love you!" sabay yakap ko kay Mommy tapos kiniss niya ‘ko sa cheeks. "Love you too, Sweetie. Keep safe ad study well." At umalis na si Mommy. Nag-busy-busyhan ako at inayos ko yung arrangement ng mga gamit ko. Napaka-OC ko hindi naman ata obvious. Yun nga lang wala ata silang table para sa pagkain na in-order ni Mommy para sa amin. "Hala wala kayong table?" Bigla kong nasabi. "Sorry ano pang-isang tao lang ‘yung table eh tapos gamit ko na yung nakalagay. Pero pwede ko naman ilabas. Wait lang." Paliwanag ni Mr. FC. "Ilabas ko lang." "No choice naman ako, eh. Maghihintay na lang po." As much na ayoko siyang pansinin ay hindi ko magawa kahit na sa isip ko ay pinagpapatong-patong ko na yung mga kasalanan niya sa 'kin. "Pasensiya ka na, ah, hindi pa ‘ko tapos maglinis." Iniwan kong nakasalpak yung gamit ko sa lapag at dali-dali akong lumabas ng dorm. "Sa’n ka pupunta?" sigaw ni Mr. FC. Habang pababa ako ay tinatawagan ko si JV. By the way, nakuha ko na kay teacher yung phone ko na na-confiscate. Ayun warning daw muna. Me: Bakla buti sumagot ka. JV: Baliw in-answer ko na nga yung call mo, eh. Anong sagot pa ba ang gusto mong gawin ko? Kalako ka. Me: MAY CHIKA AKO GRABE BAKLA! Sigaw ko sa kaniya mula sa cellphone ko. JV: Tungkol saan naman yan? Me: Sa akin JV: Hala hahaha ano yan? Me: MAGIGING MAGKASAMA KAMI SA DORM NI MR. FC KAPAG WALA KANG NAKITANG BAKANTE DIYAN! Ella: OH MY MEANT TO BE NGA SILA! AYIEEEE! Me: TUMIGIL KA NGA DIYAN BAKLA! JV: Grabe bakla tinadhana na ata kayo. Me: Yuck! JV: Kunwari ka pa eh gwapong-gwapo ka naman nung una. Tsaka maganda pa ang kalooban. Me: Oh edi kayo na lang. JV: Edi sige. Sabay nag-call end si JV. Tumawag ulit ako. Me: Oy bakla joke lang. JV: Eme lang din. Me: Paano na ito? JV: Paano mo naman nasabing diyan ka na titira? Me: Narinig ko si Mommy na may kausap tapos itong building ang isa sa pinagpipilian niya. Ayoko rito. Please, maghanap ka na riyan o ‘di kaya tulungan mo akong kumbinsihin si Mommy na sa dorm niyo na lang. JV: Sige, bababa na ako kaagad at magtatanong. Me: Grabe, thank you talaga! JV: Good luck today sa ‘yo diyan, bakla. Tsaka mag-sorry ka na rin sa kaniya para hindi na awkward. Me: Ayoko nga. Bahala siya. Nagsasabi lang naman ako ng totoo, ah. JV: Ay wag na pala. Hayaan mo siya. Pero ang pride, ah. Binababa ‘yan minsan. Me: Ano ba talaga? Ang helpful mo bakla, ah. JV: Ako pa. Basta nako ‘wag mo nang palakihin yung gulo, ah. Me: FYI hindi naman ako ang nagpapalaki ng gulo tsaka hindi naman ako nakikipag-away nang basta-basta. Ano ako, baliw? JV: May practice pa kami ng sayaw, bakla. Aalis na ‘ko. Me: HALA AYUN PA PALA! JV: Bakit? Me: Ayun nga pala ang pinunta ko rito. JV: So nandiyan ka na pala. Hmmm… Akala ko sa inyo ang practice. Masosolo ka ni Grey ngayon? OMG! Kinikilig ako, legit! Me: Ewan ko sa ‘yo. JV: Oh sige bakla ibababa ko na. Bye na muna. Me: Bye! Mag-ingat ka, ah. JV: Opo! At ibinaba na ni JV yung phone niya. So ako naman since wala ng ganap edi bumalik ako sa dorm. Pagpasok ko sa loob, naabutan kong may mga kasama si Mr. FC. Tatlong lalaki na ang isa sa kanila ay pamilyar. “Kiel?” wika ko. Sabay nagtayuan silang tatlo at dali-daling lumabas. "Akala ko hindi ka na babalik.” Sabay napatigil siya sa ginagawa niya. “Siya nga pala, ano, nalabas ko na yung table. May pina-deliver ang Mommy mo? Sabihan mo na lang ako tapos ako na ang bababa sa gate para ako ang kukuha.” “Mabuti naman. Dapat lang.” bulong ko. In-ignore ko lang siya. Dumiretso akong umupo sa sofa at tsaka ako nag-cellphone. Shocks, hindi pa rin kami nagsisimula. Mamaya kung anong oras na kami matapos nito. Siguro hintayin na lang muna namin ang order. Joke. Dapat pala magsimula na kami tapos mamaya na lang kumain. Or kahit sa kaniya na lang yung delivery para may excuse akong makauwi agad mamaya. Oo, tama. Ganun na lang. So ayun na nga tinawagan ko si Mommy tapos hiningi ko yung code para ma-track ang order Tumabi sa akin si Grey. "Sorry ang gulo ng kwarto ko. Last na 'tong lilinisin ko. Ok na sa sala tsaka sa kusina." "Mabuti naman." Natahimik kaming dalawa. Hindi naman niya kailangan mag-report sa akin kung alin ang malinis na at alin ang bahaging marumi pa. Para saan? “Tara na. Mag-practice na tayo. Mamaya na lang natin kainin yung pagkain.” Yaya ko sa kaniya. “Ok sige. Tara sa rooftop.” Pag-akyat namin ay bitbit na pala niya ang speakers. Nag-play siya ng music tapos humarap siya sa akin. “Game na.” Parang ang bilis. Para akong naging statue. “O-ok.” sagot ko na medyo nangatal. “Recall muna natin yung first half tapos diretso na tayo sa second half.” At ganun na nga ang ginawa namin. This time, nabawasan na yung pagkailang ko sa kaniya. Tsaka wala na rin yung “sparks” na naramdaman ko nung una. I think that’s a good thing. Ang gentle niya lang sa akin. Ramdam na ramdam ko yung pagiging gentleman niya. Para bang sa hawak niya sa akin ay ang secure ko. HINDI! Tumigil ka, Deign! At biglang nag-ring ang phone ko. Tumatawag na pala ang rider. “Nandiyan na pala si Kuya.” Dumating na yung meryenda ko pero ayun binilhan din si Mr. FC ni Mommy ng pagkain. Bumaba na siya tapos ako naman ay bumalik sa dorm niya. Sabay kaming kumain. Hindi ako makatingin sa kaniya. Syempre sabay din kaming nagdasal muna bago kumain. Nagulat ako sa part na ‘yun. Unti-unti napapalagay yung loob ko sa kaniya pero very very very very slight lang naman. Ayan, maraming very para smallest percentage lang. After naming kumain ay balik ako kaagad sa tambay mode ko at nag-cellphone lang ako. Sabi niya ay magpahinga raw muna kami saglit. Biglang nagvibrate yung phone ko. Nag-text si Kiel. Kiel: Pwede ba tayong mag-usap? Me: Pwede naman. Tungkol saan ba? Kiel: Sige magkita tayo sa may gate ng school mamaya. Me: Ok. Makalipas ang ilang minuto ay umakyat na ulit kami at nagpatuloy na sa pag-practice. Natapos na namin ang sayaw. Aaralin na lang namin nang kaniya-kaniya para hindi malimutan ang steps. Nagpaalam na ako sa kaniya na mauuna na ako. Sabi niya ay ihahatid niya ako pababa pero hindi na ako pumayag. Hindi naman siya nagpumilit so wala ng argumento pang naganap. Habang pababa ako ay naka-receive ako ng text mula kay Kiel. At teka nga pala. Paano nalaman ng mokong na ito ang number ko? Hmmmm… So dali-dali akong pumunta sa may gate nung school namin na napakalapit lang dito sa dorm. Nakita ko si Kiel na naghihintay. "Buti naman dumating ka na." sabi ni Kiel. "Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ko. "Tara punta muna tayo dun sa milk tea house sa kanto." So ayun naglakad kami papunta sa milk tea house tapos um-order na kami then naupo. "Kinakabahan ako, ah. Tungkol ba kasi saan?" tanong ko. "Ano, tungkol kay Grey." "Anong tungkol kay Grey?" "Ano kasi, ganito ‘yun. Syempre kaibigan ko siya tapos ikaw naman new friend kita. Ano, nag-aalala tsaka nagmamalasakit lang naman ako. May naikwento kasi sa akin." "Tungkol ba 'to dun sa nangyari kahapon?" "Oo, ‘yun na nga. Kasi ako alam ko kahit hindi sabihin ni Grey ay nagdamdam siya. Nakuha pa ngang mag-bar nung loko. Ayun sinamahan siya ng iba namin kaibigan." "Nag-bar siya? Bakit naman?" Pagtataka ko. “Tsaka ‘namin’? So kaibigan mo siya?” "’Yun yung sign na apektadong-apektado nga siya. Alam mo ba second time pa lang niyang ginawa yun. So ibig sabihin mahalaga ka sa kaniya at nakuha pa iyang maglasing basta ‘yun na ‘yun. Tsaka oo magkaibigan kami. Sa kaniya ko nakuha ang number mo.” “So pinapamigay niyo lang nang ganun-ganun ang impormasyon ko? Grabe, sino ba talaga kayo? Bakit ginugulo niyo yung buhay ko. Ngayon parang gusto mo pa na ma-guilty ako.” Tinawag na yung number namin ni Kiel so kinuha muna niya yung in-order namin. "Ako mahalaga sa kaniya? Eh ni hindi pa nga kami nagkakaigihan nun." "Uhmmm mali lang ata ako ng term pero basta parang ganun. Tsaka wala akong masamang intensyon sa ‘yo. Gusto ko lang din masiguro na nasa ayos ka. Baka kasi mapahamak ka o masaktan.” Nagulat ako sa sinabi ni Kiel. Grabe biglang bumilis yung t***k ng puso ko. “Masaktan? Mapahamak? Saan?” “Wala lang. Baka may kung sino lang diyan sa tabi-tabi na pagtripan ka. Mahalaga ka kay Grey kaya mahalaga ka na rin sa amin.” "Oo alam ko mali ako. Nadala lang ako ng emosyon ko kaya ganun. Gusto kong humingi ng tawad pero hindi ko magawa.” Pero aaminin ko na na-touch ako sa sinabi niya. Pero hindi ako naniniwalang mahalaga ako sa kaniya. Walang ganun. "Eto payong kaibigan lang since kilalang-kilala ko si Grey. Oo, nagdadamdam ‘yun pero hindi mo talaga malalaman kaagad. Pero maintindihin siya tsaka hindi siya kumikilos agad-agad nang ayon sa emosyon niya." "So...?" "So, ano, ma-re-relieve siya kapag nag-sorry ka or tinanggap mo yung sorry niya since paulit-ulit na naman siyang humingi ng tawad tsaka ma-trip man ‘yun eh ganun talaga ‘yun eh pero hanggang dun lang ‘yun. Hindi niya kayang gumawa ng masama o manakit." "Sa school next week susubukan ko. Magpa-practice kami ng sayaw." "Sige inaasahan ko yan, ah." "Salamat." Sabi ko. "Salamat para saan?" tanong niya. "Salamat kasi sinabi mo. Actually dati ko pang gustong humingi ng tawad kaso nagkapatong-patong na, eh." "Kaya mo ‘yan. Basta ano kapag sincere wala kang dapat ikahiya. Tsaka kung alam mong kasalanan mo talaga eh dapat mas mauna ka nang gumawa ng hakbang." "Alam ko naman yan kaso hindi ko talaga maintindihan yung sarili ko. Ang taas-taas ng pride ko pagdating sa kaniya." "Bakit naman?" "’Yun yung hindi ko malaman. Siguro natatakot lang ako. You know, past experiences." "Dapat matutunan mong pakawalan ‘yang takot mo. Kaya mo ‘yan. One day mawawala rin ‘yan." "Sana nga. Salamat talaga, ah." "Nako sus walang anuman." So ayun kwentuhan lang kami hanggang sa maubos yung iniinom namin tapos ako bumalik na ko sa bahay. Sa pag-uusap naming ‘yun ni Kiel ay parang nagbabago na ang pagtingin ko kay Mr. FC. Pero hindi ko pa rin talaga maintindihan yung pinakauna niyang ginawa sa akin. Pero basta ngayon ang alam ko lang ay handa na akong makipag-ayos. Why not be friends with him, ‘di ba? *** So that’s the story of how we got into each other’s lives again. A huge prologue, we can say. Stay tuned for the next part to know why I said ‘again’ and for more Grey x Deign moments.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD