Elara's P.O.V. Pwersahan kong pinapasok ng Hospital si Ravenna para malaman kung totoo ngang buntis siya. "Pwede naman na Pregnancy test na lang! There’s no need to be in the hospital. Bobo ka ba? ", singhal niya sa akin. "I zipper mo yang bunganga mo", matigas kong sabi sabay papasok sa kanya ng Hospital. Baka kasi nagsisinungaling ang Bruhang ito. Kumukulo ang dugo ko sa kanya lalo na sa tuwing naiisip ko ang ginawa niyang katarantadohan para maangkin ang katawan ni Nicolai. Hindi nga umabot ng isang oras ay nakausap ko na ang Doctor. Binasa niya sa akin ang resulta ng Pregnancy Blood test kay Ravenna .Imbes na manglumo ako sa positibong resulta ay mas lalo akong nakaramdam ng galit sa kanya. "Ano pa ang kinukuda mo dyan? Kitang kita ng mga mata mo at mula sa bibig ng Doctor na bu

