Elara's POV "Maraming salamat po sa paghatid nyo sa akin. Ako po pala si Elara", pagpapakilala ko sa kanya nang marating na namin ang Mansion. "Kairo is my name. I am Nicolai's cousin on my Mother's side", pagpapakilala niya naman sa akin sabay lahad ng palad Nagugulohan ko iyong sinalubong dahil Inglesero din pala ang pinsan na ito ni Señorito. "Oww. Nays name", aniya ko, pero kapag ako ang umi Ingles ay hindi bagay kaya magtatagalog na lang ako. Baka tamaan ako ng kidlat. Malawak ang aking mga ngiti habang kausap ang binata ng biglang bumusina si Señorito Nicolai dahil dumating na ito. "Gusto mo bang pumasok muna ng Mansion?", anyaya ko kay Kairo, pero matalim na napatitig sa akin si Señorito Nicolai. "Nakakalimutan mo atang katulog ka lang ng Mansion namin, Nanny Elara", sabat

