Third Person P.O.V Nanginginig ang kamay ni Elara at sunod-sunod na tumulo ang mga luha habang hawak-hawak ang isang papel na naglalaman ng resulta kong buntis nga ba siya o hindi. Nang makita niya ang positibong resulta, napaluha siya ng mas matindi. Halo halo ang emosyon na bumalot sa kanya. Masaya siya dahil sa wakas ay magkakaroon na sila ng anak ni Nicolai ngunit natatakot siya sa responsibilidad dahil beynte uno pa lamang ang kanyang edad. Isa pa, natatakot siyang sabihin sa mga magulang dahil baka hindi magustohan ang pagdadalang tao niya. "Buntis ako, Besprend", nakangiti ngunit lumuluha niyang sabi sa kaibigan na sinamahan siyang magpa check-up sa Hospital. "Talaga? Magiging ninang na ako? Sabi na nga ba buntis ka! ", bulalas ni Bebang sabay yakap ng sobrang higpit kay Elara.

