Third Person POV Masayang pumasok si Elara ng kanyang silid para kainin ang mga prutas na binigay sa kanya ni Nicolai. Ito ang unang beses na makakakain siya ng Apple, Orange, at Grapes. Sa gubat kasi ay tanging saging, mangga, at hinog na langka lamang ang mga prutas na kadalasan niyang nakakain. Masaya niyang binabalatan ang Orange nang biglang kumatok si Nicolai sa kanyang Silid. Agad niya naman itong pinagbuksan. "Ano po ang kailangan nyo, Señorito? " "Samahan mo akong uminom", aniya ni Nicolai, ngunit napakamot sa ulo ang dalaga. "Iinom lang ay magpapasama pa sa akin? Kukuha na lang po ako ng maiinom nyong tubig sa Baba", aniya Elara, pero pinigilan siya ni Nicolai. "Hindi tubig ang iinomin natin" "Kung hindi tubig, ay ano, Señorito? "Problemado ako ngayon kaya kailangan k

