Elara's P.O.V "Sa susunod na araw ay kaarawan mo, anak. Sa wakas ay maipapakilala kana namin sa buong Mundo. Pinaghahandaan na namin ng Daddy mo ang malaking pagdiriwang para sayo", naluluha sa sayang wika ni Mommy. Malawak akong napangiti sa harapan ni Mommy kasabay noon ang pagpatak ng mga luha at mahigpit na yakap sa aking Ina. Sa wakas ay maipagdiriwang ko na din ang aking kaarawan. Sa loob ng dalawang dekada ay bukod sa walang apelyido ay hindi din sinabi sa akin nila Inay at Itay kung kailan ako pinanganak kaya kahit kailan ay hindi ko naranasan ang magdiwang ng kaarawan. "Salamat po, Mommy. Ang saya-saya ko po dahil ito ang unang beses na maipagdiriwang ko ang aking kaarawan", lumuluha kong sabi habang nakayakap kay Mommy. Napasinghap ako nang marinig ang boses ni Daddy sabay ya

