Elara's POV Simula noong narinig ko ang usapan nila patungkol sa kasal ni Señorito at sa nawawala nilang anak na kasing edad at kasarian ko ay sobrang bigat ng pakiramdam ko maghapon. Hindi ako mapakali kaya tinanong ko si Aling Dalia habang naghahanda kami ng haponan. "Paano po namatay ang kapatid ni Señorito?" "Dahil sa aksidente, Iha. Sanggol pa lamang noon ang kapatid ni Señorito nang mangyari ang Car accident",pabulong na sagot ni Aling Dalia. "Wag na muna nating pag usapan yan, Iha dahil baka marinig tayo ni Madam Editha. Ayaw niya kasing pinag uusapan ang bunso niyang anak.Bilisan na natin,at baka dumilim na",pag iiba ng usapan ni Aling Dalia. Kawawa naman pala ang kapatid ni Señorito.Sa murang edad ay namatay sa aksidente. Matapos ang mga gawain ay tumambay muna ako sa Hard

