Third Person POV Kinabukasan ay malungkot na nagising si Elara. Sa tuwing naalala niya ang pagkawala ng kanyang Kwentas ay nawawalan siya ng pag-asa na mahanap pa ang tunay na mga magulang. Sa sobrang laki ng syudad ay impossible na makuha niya pa ang Kwentas na iyon. Gabi-gabi pa rin siyang umiiyak dahil sa pagkawala noon. Ganoon pa man ay hindi siya dapat mawalan ng pag-asa. Matapos mag ayos ay kinuha ni Elara ang kapirasong papel mula sa kanyang Bag na banig. "Sabi ni Bebang ay Cellphone number niya daw ito. Kapag daw may cellphone na ako ay tawagan ko siya", bulong ng dalaga sa sarili. "Maagang umalis si Señorito kaya para sa atin lang ang lulutoin na Almusal" "Bakit daw po, Aling Dalia? kagabi ay hindi din po kumain si Señorito tapos ngayong umaga ay hindi din. Baka dahil sa

