Takang napatingin si Primrose sa umpukan nang mga Kateammate ni Ryner sa locker room nila. Dumating siya para ihatid ang nakalimutang mitt nang binata dahil sa pagmamadali. Napuyat ang binata at halos walang tulog dahil sa pagbabantay sa kanya dahil sa mataas niyang lagnat. Nakalimutan nitong may laro ito nang araw na iyon. Habang naghahanda siya para sa presentation nang designs niya napansin niya ang mitt nang binata sa ibabaw nang side table sa silid nila.
Tinawagan niya ang binata at sinabing nakalimutan nito ang mitt sa bahay nila at dahil alam ni Ryner na hindi pa siya gaanong nakakarecover dahil sa naging sakit niya sinabi nitong okay lang dahil may extra naman sila. Sabi nito, magpapadala siya nang extra kay Peter. Pero habang nakatingin si Primrose sa mitt, may boses na nagsasabi sa kanya na hindi magiging komportable si Ryner kung ibang mitt ang gamit niya. Kaya naman kahit sinabi nang binata na huwag na siyang pumunta sa stadium dahil sa may presentation din siya sa bago niyang design, nag punta pa rin siya.
At iyon nga ang naabutan niya sa locker room, ang Kumpulan nang mga player. At nabigla pa siya nang makita si Hannah na isa-isang kinukuha ang vitals nang mga players.
“Prim?” Takang wika ni Ryner na pumasok sa locker room kasama ang coach nila at si Peter. Nang marinig nang dalaga ang boses nang binata agad siyang napaligon dito.
“What are you doing here? Are you not supposed to be resting?” tanong nang binata na naglakad papalapit sa dalaga saka walang pasabing kinapa ang noo at leeg nang dalaga na tila sinusuri kung Mataas pa ang temperatura nito at dahil sa naging reaksyon nang binata hindi maiwasang hindi mailang nang dalaga lalo na at naging dahilan iyon para mapatingin sa kanila ang mga kateammate nang binata at napasipol pa dahil sa kilos nang binata.
“Stop flaunting your adoration sa asawa mo ace.” Biro nang isa sa grupo ni Ryner. Matapos ang mistaken Identity na nangyari nang nakaraan. Ryner cleared things out sa kanila at sinabi nang binata kung sino ang asawa nito.
“Okay na ako.” Mahinang wika nang dalaga na pinang-initan nang mukha dahil sa labis na hiya. Hindi niya alam kung saan itatago ang mukha dahil alam niyang namumula iyon dahil sa labis na hiya.
“You’re warm.” Wika pa nang binata.
“I’m okay.” Mahinang wika nang dalaga at lumayo.
“Hindi yan sakit Ace. She might be blushing dahil sa hiya.” Natatawang wika ni Charlie. “Stop being a show off. Alam na naming mahal mo yang asawa mo.” dagdag pa nito na lalong naging dahilan kung bakit nag-init ang mukha nang dalaga.
“Don’t mind him.” Wika ni Ryner saka bumaling kay Primrose. “Diba sabi ko magpahinga ka. You have your presentation right? Tapos na ba----”
“It’s okay. I can handle that. I came here for this.” Wika nang dalaga saka ipinakita sa binata ang dalagang paper bag. Napatingin naman doon ang binata saka napatingin sa kung anong laman noon. Napakunot ang noon ang binata saka napatingin sa dalaga.
“I told you it’s okay. Hindi mo kailangang----”
“I had a feeling na hindi ka magiging komportable kung------”
“It doesn’t matter. Hindi naman----”
“It is important. I know, at least to you.”
“You shouldn’t have. Dapat nagpapahinga ka ngayon. Paano kung bumalik----”
“I’m fine. Hindi naman ako ganoon kahina no.” wika nang dalaga at ngumiti.
“You were sick?” tanong ni Charlie na lumapit sa kanila. Sabay namang napatingin sina Ryner at Primrose sa binata.
“Konting lagnat lang. But I am okay now.” Wika nang dalaga at ngumiti.
“Nurse Hannah, here is the team’s new nurse. Bakit hindi ka humingi nang gamot sa kanya.” wika pa nang binata.
“New nurse?” tanong ni Primrose saka napatingin sa dalaga. Kaya bai to nandoon at pinagkakaguluhan dahil sa ito ang bagong nurse nang team nila.
“I didn’t know we had a new Nurse.” Wika ni Ryner saka bumaling sa coach nila at kay Peter.
“Kailangan nang assistant ni Doc, para mapanatili ang pagiging fit nang mga players and Nurse Hannah volunteer. She is actually good. At madali niyang nakasundo ang mga players.” Wika nang coach nila. Napatingin lang si Ryner sa dalaga. Hindi siya komportable sa mga nangyayari.
“I think I have to go.” Wika nang dalaga saka tumingin kay Ryner.
“Hindi ka ba manonood?” tanong nang binata. “Nandito ka rin lang naman—OH. You still have to prepare for you---”
“I’ll watch. Sayang naman kung hindi ako manonood. Nandito na naman ako.” Wika nang dalaga na ngumiti. Napangiti naman si Ryner dahil sa sinabi nang dalaga. Hindi naman maiwasan ni Primrose na hindi mapatingin sa dimples nang binata habang nakangiti ito.
“You will be sitting sa audience stand. You should wear this.” Wika nang binata at hinubad ang jacket niya at isinuot sa dalaga. “I can’t risk na baka magkasakit ka ulit. And this.” Wika pa nang binata at tinanggal ang sumbrero niya at inilagay sa ulo nang dalaga.
“Mabuti pa sa dugout na ako. Lalamggamin tayo dito.” Wika ni Charlie na lumabas habang nakatingin sa mag-asawa. Napapangiti namang sumunod sa paglabas ang iba pang players. Maging ang Coach nila na tinapik ang balikat ni Ryner saka lumabas kasama si Peter.
“Are you okay, Prim. Gusto mong----” wika ni Hannah na tumayo mula sa kinauupuan saka naglakas papalapit sa kanila. “I didn’t know you got sick dahil sa ulan nang nakaraan. You should take vitamins para hindi ka maging masakitin.” Wika pa nang dalaga saka may kinuha sa bag niya saka muling naglakad papalapit sa kanila sa inabot kay Primrose ang isang bote. Napatingin doon si Primrose at Nakita ang label nang bote. Vitamin C ang nakalagay doon.
“I think you need this.” Nakangiting wika ni Hannah.
“Thank you.” anang dalaga at tinanggap ang binibigay nang dalaga. “I was thinking of getting one. Sapalagay ko kasi nagiging mahina ang resistensya ko dahil sa dami kong ginagawa. Salamat ulit.” Hindi Nawala ang ngiti nang dalaga.
“Walang ano man. I am always happy to help.” Wika nito saka napatingin kay Ryner. Hindi naman binigyan nang pansin nang binata ang tingin ni Hannah sa kanya.
“Ryner, hindi ko pa nakukuha ang vitals mo. I think I should----”
“No It’s okay. I’m fine.” Wika nang binata na sinubukang maging polite ang boses.
“Are you sure? Paano kong nahawaan---”
“I am not weak, kuting.” Anang binata na napangiti at pinisil ang ilong nang dalaga.
“You two vibe so well—it’s kinda perfect.” Wika ni Hannah na nakatingin sa kanilang dalawa.
“You think so?” Inosenting tanong ni Primrose.
“I am sure hindi lang ako ang nakakapansin.” Wika nito.
“I think you should go sa audience stand. Malapit nang mag umpisa ang laro.” Wika ni Ryner na inayos ang jacket nang dalaga at pinihit ang dalaga paharap sa kanya kahit na nakatingin si Hannah sa kanila.
“Yeah. I should.” Wika nang dalaga na akmang maglalakad papalabas nang locker pero biglang natigilan saka may kinuha sa bag niya. “Bago ko makalimutan.” Wika nang dalaga saka may inabot na envelop kay Ryner at Hannah.
“This is---” putol na wika ni Hannah habang nakatingin sa invitation na natanggap.
“Prism and Pearl are doing a public auction for the new designs. It’s kind of our thing before we drop a new collection. Hope you can make it,” Wika nang dalaga na nakangiti kay Hannah.
“Really? Thank you! this is----” putol na wika ni Hannah dahil sa pagka mangha. “Of course I’ll be there. Its an honor.” Wika nito na nagniningning ang mga mata.
“Great.” Nakangiting wika ni Primrose saka bumaling kay Ryner. “You will be there right?” tanong nang dalaga. “I am not really confident about my designs. I would love if---”
“Are you kidding. Syempre hindi ko palalampasin ang even na ito. Alam kong binigay mo ang best sa mga design mo. Of course. I’ll be there to support you.” wika ni Ryner. Nangako siya sa sarili niya na siya ang magiging protector at number one supporter ni Primrose syempre hindi siya magpapahuli sa event na iyon.
Habang nakatingin sina Ryner at Primrose sa isa’t-isa lihim namang nakatingin si Hannah sa kanila at nakakuyom ang kamao. Nagpupuyos ang kalooban niya habang nakikita kung papaano titigan ni Ryner si Primrose. Titig na puno nang pagmamahal.