“Ryner.” Mahinang wika ni Primrose na naglakad papalapit sa binata. Naghihintay siya sa sasakyan ni Ryner kanina at nakita niya ang pag-uusap ni Vivianne at Ryner maging ang sampal na pabaon nang dalaga sa binata ay nakita din niya. Ang totoo niyan, nakokonsensya siya sa nangyari. Nakikita niyang mabait naman si Vivianne at mukhang genuine ang feelings nito para kay Ryner. Parang pakiramdam niya inagaw niya si Ryner sa dalaga. Nang marinig ni Ryner ang boses ni Primrose. Napalingon siya sa dalaga saka simpleng ngumiti. “Are you okay?” Tanong ni Primrose saka lumapit sa binata. Matamang tumitig sa kanya ang binata bago nito hinawakan ang kamay niya saka siya hinatak papalapit dito saka hinapit ang bewang. Saka inihilig ang ulo sa balikat nang dalaga. Kahit na bigla hindi naman tumutol

