“Anong nangyayari dito?” Takang tanong ni Ryner nang dumating sa baseball camp nila kasama si Romeo at Charlie na naabutan na nagkukumpulan ang ibang mga ka teammates nila ay malalakas ang tawa na tila nagkakatuwaan pa. Umalils siya kasama ang dalawa dahil pinatawag sila nang owner nang team para meeting sa susunod nilang laban. At nang nga bumalik sila iyon na ang naabutan nila.
“Ace hindi mo sinabing magaling magluto ang asawa mo. Kung may asawa akong ganito at ipagluluto ako araw-araw masisira Talaga ang diet ko. Paano mo nagagawang ma-maintain ang katawan mo kung ganito ka sarap magluto ang asawa mo?” wika nang isa sa mga kasama ni Ryner na lumapit sa kanya. Malapad ang ngiti nito at sabay tapik pa sa balikat nang binata dahila sa labis na pagtataka. Napatingina ang binata sa balikat niya saka sa kasamahan.
Si Prim magluluto? Gulat na tanong sa isip niya. Hindi naman yata possible yun. Kahit simpleng pagpapakulo nang tubig pumapalpak ang dalaga. Takot siya sa talsik nang mantika sa kawali kaya papaanong magluluto ang dalaga.
Or maybe, she’ve changed after that accident. Baka naman hinuhusgahan niya nang maaga ang dalaga dahil lang sa mga alam niya tungkol dito. Maraming pwedeng mangyari. Iyon ang kumbensi niya sa sarili niya. Habang nakatingin si Ryner sa Kumpulan, namataan niya ang dalagang kausap nang mga kateammate niya biglang kumunot ang noo niya ng makilala ang dalagang kausap nang mga ka teammate niya.
It was not Primrose Bigla siyang naguluhan. Bakit nandoon ang dalagang iyon? At nasaan si Primrose. Ano namang ginagawa niya doon? Bakit siya nandoon? At asawa niya? Did she not correct his teammate? Iyon ang mga tanong sa isip ni Ryner nang mga sandaling iyon habang nakatingin sa dalagang pinagkamalang asawa niya nang mga kateammate niya.
Nang mapatingin si Hannah sa direksyon ni Ryner isang matamis na ngiti ang ibinigay nang dalaga sa binata sabay kumaway na Nakita nang mga kasamahan ni Ryner na naging dahilan para mapahiyaw sa tuwa ang mga ito.
“Ryner. Nagpalit ka na ba nang asawa?” tanong ni Charles nang makita ang dalagang kumakaway sa kanila. Hindi naman ito ang dalagang nakilala nila noong nakaraan. Maging si Romeo ay nagulat din dahil Nakita.
“Oh? Bakit ganyan mo akong tingnan.” Ani Charlie nang makita ang titig sa kanya ni Ryner. “Hindi ko kasalanan kung ibang tao ang nandiyan at nagpapanggap na asawa mo. Eh sa gandang lalaki mo ba naman. Sinong hindi magpapantasya na maging asawa mo.” biro ni Charlie.
“But where is Primrose? Who is she? Do you know her?” tanong ni Romeo. Hindi naman sumagot si Ryner dahil hindi rin naman niya alam kung nasaan ang asawa niya. Hindi naman siguro pupunta doon si Hannah nang mag-isa. Wala itong kilala doon.
Habang nakatingin si Ryner sa dalaga hindi niya maitanggi na mabilis nitong nakuha ang loob nang mga kasamahan niya.
“Okay ‘tong asawa mo Ryner. Dapat madalas mo siyang dinala dito.” Wika pa nang isang kasama nil ana lumapit sa kanila.
“Asawa? Nandito si Prim?” Ani Peter na biglang dumating. “Ano siya nag teleport? Kakakita lang namin sa supermarket. Akala ko inutusan niyo bumuli nang mga snacks niya.” Dagdag pa nang lalaki. Dahil sa sinabi nito biglang napatingin ang lahat sa bagong dating.
“Hindi mo siya asawa?” takang wika nang kasamahan ni Ryner na napatingin sa dalagang tumayo at naglakad papalapit sa kanila. “Sorry, Bro. Akala ----”
“Ryner dumating kana pala.” Wika pa ni Hannah na lumapit sa kanila. Napatingin naman ang lahat sa kanya nang lumapit ito sa kanila. Si Peter naman ay bigla napataas ang kilay. Dahil kilala niya ang dalagang ito. Ito ang nurse na umasikaso kay Ryner nang ma injured ito. Hindi siya makapaniwalang naging malapit ang dalaga. Taka siyang napatingin sa Binatang si Ryner.
“Hi Peter.” Nakangiting wika ni Hannah saka kumaway kay Peter.
“Hi.” Tipid na wika nang binata.
“Why are you here?” tanong Ryner sa dalaga. Hindi niya gustong magsungit kay Hannah kaya pinipilit niyang maging kalmado sa kabila nang katotoohanang hindi niya nagustuhan ang naging asal nito at sa pagpapanggap nito na asawa niya. Hindi niya alam kung anong motibo nito sa pakikipaglapit niya kay Primrose at hindi niya nagugustuhan knowing how she betrayed Primrose.
“Nagluto ako. Naisip kong dalhan kayo ----”
“Hindi mo naman kailangan gawin yun.” Agaw nang binata.
“Hindi mo ba nagustuhan?” tanong ni Hannah. Isang sakristong ngiti ang sumilay sa labi ni Ryner.
“Salamat sa ginawa mo, mukhang natuwa ang mga kasamahan ko. Pero hindi mo kailangang gawin iyon.” Wika pa ni Ryner saka biglang napalingon nang biglang bumuhos ang makalas na ulan.
“Ang sama nang timing nang ulan na ‘to.” Wika ni Charlie saka napatingin sa Baseball field nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
“Prim?” Gulat na wika ni Charlie na dumating ang dalaga na basa dahil sa ulan. Kasama pa ito nang dalawang ka teammate nila na tila tinulungan ang dalaga na dalhin ang mga mga dala nitong pinamili. Nang marinig ni Ryner ang sinabi ni Charlie agad siyang napatingin sa direksyon kung saan iton nakatingin. Nakita niya ang dalagang paparating. Nang makita niya ito nagmamadaling lumapit kay Primrose hinubad ang jacket niya at mabilis na binalot sa dalaga.
"Seriously? You went straight into the downpour like that—do you even realize how soaked you are?" hindi maitago ni Ryner ang pag-aalala at agad na kinusot nang kamay niya ang dulo nang buhok ni Primrose.
“Paano kong nagkasakit ka? Hindi ka ba nag-iisip.” Wika pa nang binata.
“Huwag mo na siyang pagalitan ace, hindi naman niya kasalanan. Nakita ko siya sa labas nang camp nang biglang umulan.” Wika pa nang Binatang kasamahan ni Ryner.
“Naghintay ka nalang sana na tumila ang ulan bago ka pumasok dito. Tingnan mo ang itsura mo basang-basa ka.” Dagdag pa ni Ryner sa dalaga. Natigilan si Primrose saka napatingin sa binata galit bai to sa kanya? Habang ang ibang mga kasamahan naman nila ay napapangiti lang. Ngayon lang nila Nakita si Ryner na sobra-sobra ang pag-aalala. Habang si Hannah ay napapakuyom ang kamao nang makita ang naging trat oni Ryner sa dalaga.
“Saan ka ba galing?” Tanong ni Ryner sa dalaga.
“Nagpunta ako sa supermarket. Bumili nang snacks.” Wika ni Primrose.
“We don’t need you to do that.” Nagtaas ang boses na wika ni Ryner. Hindi dahil sa galit siya kundi dahil sa nag-aalala siya sa dalaga.
“Ryner. Huwag kang Magalit sa kanya. Ideya ko na---”wika ni Hannah na lumapit sa kanila na tila sinasaway pa ang binata sa naging asta nito.
“No, I want to ---” putol na wika nang dalaga nang makita ang naging reaksyon ni Ryner. Nakakunot ang noo nito at halatang-halata ang inis.
“Galit ka ba?” Tanong nang dalaga saka tumingin sa binata.
“Galit? Hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit. Naiinis lang ako dahil kahit anong gawin ko----” wika nang binata na biglang napahinto at tumingin kay Primrose.
“This is crazy.” Wika ni Ryner saka tumalikod sa dalaga at walang paalam na iniwan sila. Lahat naman hindi nagsalita dahil sa naging reaksyon nang binata. Si Primrose naman ay napakagat lang nang labi. Habang naghihintay sa sasabihin nang iba.
“Mabuti pa ikukuha kita nang tuwalya para matuyo yang basa mong buhok.” Wika ni Charlie saka akmang aalis ngunit natigilan nang makitang bumalik si Ryner at may dalang tuwalya. Walang kibo itong lumapit sa dalaga at walang pasabing pinunasan nang tuwalya ang basing buhok nang dalaga kahit pa maraming nakakakita sa kanila.
“Kaya kong---” wika nang dalaga at hinawakan ang kamay nang binata nang mapansing nakatingin ang lahat sa kanila.
“Stay still.” Matigas na wika nang binata dahilan naman para hindi na kumibo ang dalaga at hinayaan nalang ni Ryner na ginagawa nito. Ang mga kasamahan naman niya nagkakatinginan. May ibang bumubulong at nagtatanong kung bakit ganoon ang trato ni Ryner sa dalagang gayong nasa harap nito ang asawa nito. Takang napatingin ang lahat kay Hannah.
“Hindi ka na galit?” tanong ni Primrose habang nakatingin sa seryosong mukha ni Ryner habang pinupunasan ang basing buhok niya.
“Hindi ako galit.” Mahinang wika nang binata na tila kumalma na ang boses.
“Talaga?” nakangiting wika ni Primrose saka bahagyang pinaling ang ulo.
“Para kang basang kuting.” Natatawang wika ni Ryner saka pinisil ang ilong nang dalaga. Isang tikhim naman ang narinig nila dahilan para mapalingon si Ryner sa may-ari nang tikhim na iyon.
“Mr. Ace. Alam kong mahal mo yang asawa mo. Pero pwede ba—try to read the room a bit will ya.” Ani Charlie na noon lang nabigyang pansin ni Ryner ang mga matang nakatingin sa kanila maging si Primrose ay tuptop ang bibig biya nang makita ang mga kasamahan ni Ryner. Hindi na niya napansin ang mga ito dahil natuon ang atensuon niya kay Ryner.