Prologue

330 Words
"P-paano mo ito nagawa?" Umiiyak ako sa harap niya. Nakayuko lang sya sa aking harapan. Walang balak mag salita. "Tanggap na tayo ng lahat pero bakit mo pa ito nagawa!" Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kaniya. Walang lakas ang aking mga daliri habang nakaturo sa kaniya. "I'm sorry," Napa upo nalang ako sa sahig. Nandito kami sa aming condominium. Ang aming pinaghirapan makuha. "Walang magagawa ang sorry mong iyan! s**t! Isinuko ko sayo lahat-lahat. Pati pamilya ko tinalikuran ako ng dahil sayo," pumiyok ang boses ko sa huling sinabi ko. "Kasalanan ko bang mas pinili mo ako kaysa pamilya mo? Hindi! Kahit kailan hindi ko sinabi sayo na ako ang piliin mo! Alam mong mahal kita! Kahit anong desisyon mo ay reresepetuhin ko!" Sigaw niya. Lakas loob akong tumayo sa harap niya. "Anong sinasabi mong reresepetuhin mo? Dignidan ko ang tinapakan mo! Nabansagan kang pinakamatalino dito sa pilipinas pero napaka bobo mong gumawa ng desisyon!" Prangka kong sigaw. Hindi ko naisip sa tagal naming naming magkasama ay makakaya niyang gumawa ng kamalian. Akala ko okay na eh. Nakalimutan kong wala palang permanente sa mundo. Mapakla akong natawa. "Alam mong mahal na mahal kita," pumiyok ang boses niya. Lumuhod sya sa harapan ko habang hawak ang mga kamay ko. Hindi ko mawari bakit nahantong sa ganito ang lahat. "Hindi ko alam kung ano at paano nauwi sa ganon." Umiiyak sya. Pinaka ayoko sa lahat ay nagmumukha akong tanga sa paningin ng ibang tao. I really hate it. "Hindi mo alam? Ano akala mo sakin, tanga? Hindi ako bobo tulad mo, dwin! Oo, mahal kita pero alam mo kung gaano kahalaga ang dignidan ko bilang babae man lang at 'yon ang hindi mo nirespetu." Hindi sya gumalaw. Tahimik lang siyang umiiyak. Mahal ko ang taong ito, pero mas pinili niyang itapon ang pagsasama namin sa isang mali na alam niyang kinasisira niya lalo na sa akin, saming dalawa. "You are still my favorite yet most painful story to tell."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD