Cecily HINDI KO makakalimutan kung anong nangyari nang araw na pumunta ako sa opisina ni Vladimir Vasiliev at sinabi sa kanya na mayroon akong proposal. This is my Plan A at wala akong Plan B, dahil nakakasigurado ako na ito ang proposal na kahit si Vladimir ay hindi matatanggihan. Nagsalita ang isang guard at kinausap si Vladimir. Hindi ko man ito naintindihan pero alam ko na sinasabi nito na paaalisin na ako. Nang akmang lalapit ang guard sa akin at hahawakan ako, nakita ko ang pagtayo ni Dmitry, ngunti bago pa siya makalapit sa akin ay itinaas na ni Vladimir ang kanyang kamay. Sumenyas ito na siyang agad na nakuha ng guard bago magpaalam na aalis na. Nakatingin sa akin ang tatlong lalaki. Alam ko na ipinagtataka ni Dmitry kung anong ginagawa ko rito ngayon dahil hindi ko ito nabangg

