Cecily HINDI MAPROSESO ng aking isipan ang nakita. Maaari kayang kapareho lang ito ng binigay ko sa anak ko? Imposibleng si Damon ang aking anak. But the medallion that my father gave to me was unique. Napatakip ako sa aking bibig. Doon ko napagtanto kung bakit sa lahat ng batang ipinakilala sa akin na anak ko noon ni Ruslan ay kay Damon lamang magaan ang aking nararamdaman. Iyon ba ang dahilan bakit magaan ang pakiramdam ko sa bata, dahil siya ang anak ko? Tiningnan ko pa ang iibang gamit ni Damon. Wala nang pamilyar na gamit sa akin kung hindi ang medallion na hawak ko. Imposibleng may katulad ito dahil kahit kailan ay hindi ko nakita na may kapareho ang bagay na ito. Kumawala ang malakas na paghikbi sa aking labi. Hindi ko na napigilan ang aking pag-iyak. Halos hindi ako makahin

