MATAPOS KONG marinig ang kwento ni Dmitry, tulala ako. Nakatitig lang din sa akin si Dmitry na para bang tinitimbang niya kung anong sasabihin ko. Hinihintay niya na magbigay ako ng reaksyon sa kanya. Kahit gustuhin ko, hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o maging reaksyon sa mga sinabi niya. “I did it for my brothers. If I didn’t kill my mother back then, she would kill them.” Tinitigan niya ako at bumuntong-hininga nang maramdam niyang hindi pa rin ako nagbibigay reaksyon. Bukod sa gulat, wala pa rin akong ibang binibigay sa kanya. What? I was so shocked! Naiintindihan ko na ginawa niya iyon para sa mga kapatid niya pero hindi ko pa rin magawang maproseso na ginawa niya iyon sa mama niya, at habang nagkukwento, there’s nothing even remorse. But can I really blame Dmitry

