Cecily IBINUKA ko ang aking bibig dahil gusto kong magsalita. Nang tangkain kong ilabas ang mga salita ay agad akong nahirapan na huminga. Ito na naman iyong para akong sinasakal. “What, Cecily? What is your excuse for abandoning our newborn son like a f*****g puppy?” Marahas akong umiling. “What are you saying? Hindi ko nga inabandona si Damon!” Hindi ako makapaniwala sa mga narinig. He said I abandoned our son, pero kinuha ito sa akin. Para akong binuhusan nang malamig na tubig. Parang may sumabog sa aking dibdib na siyang nagbigay ng lakas ng loob sa akin na magsalita. “Hindi ko iniwan ang anak ko, Dmitry! Hindi ko kailanman magagawa iyon sa kanya. Someone took him away from me and—” “That’s bullshit, Cecily. Sasabihin mo sa akin na that someone left my newborn son in front of o

