(ISABELLA's POV) Panay lamang ang hithit at buga ko ng aking sigarilyo. Ganito ako sa mga nakalipas na buwan upang mawala ang stress na aking nararamdaman. Ito rin ang tanging paraan upang maibsan ko ang bigat na aking dinadala. Habang humithit ako at buga ng aking sigarilyo ay siya namang mahinang pagtawa ko dahil hindi ko akalain na may pagka-matatakutin pala ang aking ama-amahan. Tanggap ko naman na hindi ko ito tunay na ama. Dahil ang sabi nga nito ay anak ako ng aking ina sa ibang lalaki. Kaya nararapat lamang dito ang aking ginawa. Tiyak na nagpuputok na ito sa butse. Mukhang galit na galit nga ang taong iyon matapos ko itong saksakin. Hindi naman malalim ang sugat na ipinagkaloob ko dito. Sapat lamang upang umagos anh dugo. Iyon na rin ang ginamit ko upang isulat ang nais ko sa

