Pasimple kong inamoy ang alak na iniabot nito sa akin at doon ko nakumpirmang may hinalong gamot dito. Hindi naman ako tanga para inumin ang alak na ito. Mukhang sanay na sanay sa ganitong gawain ang taong ito. Naikiling ko na lamang ang aking ulo at nakikipagsabayan sa tawanan nila. Kailangan kong makuha ang loob nito upang matapos namin bg matiwasay ang aming misyon. Dahil kung susumahin. Maraming tauhan niya ang nagkalat at tatatlo lamang kami. Hindi naman sa ina-underestimate ko ang kakayahan namin kundi natatakot lamang akong mapuruhan ang isa sa amin. "Sasha, baby. Wanna dance?" anas nito sa akin habang may mapaglarong ngisi sa labi nito. Hindi ko naman magawang sumang-ayon dahil hindi maaatim ng konsensiya ko na sumayaw kasama ang ibang lalaki. Pasimple akong humingi ng saklolo
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


