Isang malakas na putok ng baril ang kumawala sa paligid kung kaya’t para akong binuhusan ng malamig na tubig at biglang umalis sa kandungan ng lalaking kahalikan ko kanina lamang. s**t. Ang lalaking iyon ang aking nakahalikan. My goodness. Mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. Mabuti na lamang at Nakita ako kaagad ni Enrica at Jenny na ngayon ay nagmamadaling umalis sa lugar. Dala na rin ng matinding kaguluhang nangyayari ngayon.
Mabilis na nilukob ng kaba ang buo kong pagkatao. Dahil hindi ako sanay sa mga ganitong kaguluhan o madaling sabihing I had a traumatic past. Halos siksikan na ang mga tao sa paligid Mabuti na lamang at magaling sa singitan ang dalawang kaibigan ko.
Malakas kaming napabuga ng hangin nang marating naming ang aming sasakyan. Mabilis itong minaneho ni Erica patungo sa kanyang bahay. Doon muna ako pansamantalang makikituloy dahil ayoko munang manatili sa aming bahay. Inihatid na lamang naming si Jenny sa kanila dahil hindi na nito kaya pang magmaneho ng sasakyan dahil sa sobrang kalasingan.
Dahil sa bilis ng pagmamaneho ni Enrica ay narating naming agad ang bahay nito.
“oh iha. Nandito ka pala. How’s the party?” salubong sa amin ng kanyang ina. Mukhang may lakad ito dahil bihis na bihis ito kahit pasado alas dos na ng madaling araw.
“mommy, nag enjoy kami. Lalo na si Bestie, nag ENJOY talaga yan” malakas akong napaubo ng marinig ang huling sinabi nito.
“are you okay” nag-aalalang tanong ni tita Ana, ang mommy ni Enrica.
“y-yes tita. I-I’m okay.” Anas ko dito. Habang itong si Enrica ay hindi matigil sa pagbungisngis.
“ikaw Enrica ha. Pasalamat ka at wala dito ang daddy mo! Kung hindi baka nasuntok kana naman. Bakit hindi mo na lang ligawan itong si Isabella. Total magkaibigan naman kayo at lalong magkaibigan ang ating mga pamilya” anas ni tita Ana. Nagtinginan na lamang kami ni Enrica at malakas na napatawa. Si Enrica? Manliligaw? Ni hawakan nga ng ibang babae ay sobrang nandidiri na, manligaw pa kaya? Tsaka, hindi ata alam ni tita na may ka long distance relationship ang baklita niyang anak.
“hay, ewan ko sa inyong mga bata kayo. Oh, siya. Ako’y mauuna na. At naghihintay na sa akin ang aking mga amiga sa Casino” anas ni tita. Mabilis na niyakap naman naming ito bago nito tuluyang nilisan ang sala.
“Hoy, Enrica. Aakyat na ako sa KWARTO KO ha?” anas ko dito. Hindi ko na ito hinintay pang magsalita at tulo’y tuloy na pumasok sa silid na tinutulugan ko. Ayos lang naman kina tita Ana at tito Pancho na dito ako makitulog kahit ilang buwan or taon pa. Dahil matalik na magkaibigan ang aking ina at ang mga magulang ni Enrica. Kaya nga ang turing na nila sa akin ay parte ng kanilang pamilya.
Hihikab hikab akong pabagsak na nahiga sa kama matapos kong gawin ang aking night routine. Para nga akong nasa sarili kong silid sa aming bahay, dahil halos nandito na ang aking mga gamit. I put on my eye patch dahil mas narerelax akong matulog kapag may suot akong ganito.
This night was a wild night but definitely the best. I just had my first kiss with a stranger. Oh, no. Am I in love? Kailan kaya kami ulit magkikita? Hay, time to sleep na nga.
Matuling lumipas ang araw at linggo. Ngayong araw nga ay ang aking graduation day. As usual wala ang aking magaling na ama. Kaya mag isa ko lang na aakyat ngayon sa entablado upang tanggapin ang aking diploma. Sanay naman na ako, kaya hindi na bago sa akin ang walang dadalo sa lahat ng importanteng kaganapan sa aking buhay.
“Isabella Del Rosario, Suma Cumlaude” malakas na anas ng founder ng university mula sa mikropono. Para naman akong natuod sa aking kinatatayuan dahil hindi ko maihakbang ang aking mga paa dahil ang taong tumawag sa aking pangalan ay walang iba kundi ang taong nakahalikan ko sa bar ilang linggo na ang nakalilipas.
Hindi pa ako kikilos kung hindi lamang ako kinalabit ng aking classmate. Pakiramdam ko ay binudburan ng maraming sili ang aking mukha dahil sa sobrang pula nito. Don’t tell me siya ang may-ari ng eskwelahang ito? What a small world.
I composed myself and walked with confidence. I smiled widely and stepped on the stage. Masayang inabot ko ang kamay ng mga taong nandirito sa stage at nang sa founder na ako makikipagkamay ay para naman akong nanginginig sa kilig. Dahil shet, ang gwapo niya sa ayos niya. Para siyang yummy man. Oh, those biceps.
Nanlalamig ang aking mga kamay na nakipagshake hands dito. Naramdaman ko pa ang pagpisil nito sa aking kamay.
After I delivered my graduation speech ay nagtungo naman ako sa gitna ng stage upang magpapicture. Ngunit, wala akong mga magulang.
“Iha, where are your parents?” anas ng aming dean. I just shrugged my shoulders.
Nagulat na lamang ako nang biglang may humawak sa aking beywang at idinikit ako sa katawan nito. Malakas na hiyawan naman ang namutawi sa buong auditorium. I looked at him and I was shocked dahil iyong lalaking nakahalikan ko ang nasa tabi ko ngayon.
“I’m with her” anas nito sa aming dean. Nangislap naman ang mata ng aming dean at binigyan ng matamis na ngiti ang owner ng eskwelahan.