Naramdaman ko ang mga mahihinang tapik kaya ako nagising mula sa aking pagkakatulog. Oo nga pala nawalan ako ng malay kahapon dahil sa sobrang pagod. Pagmulat ko ng aking mga mata ay mukha ni Lola Charry ang aking nakita. "How are you feeling apo?" tanong nitong may himig ng pag-aalala. Tinignan ko lamang ito at pinanood kung gaano kumislap ang kanyang mga mata nang makita niya akong gising na. Batid kong marami pa akong kailangang matutunan sa larangan ng pakikipaglaban. Hindi naman iyon matututunan ng isang araw lamang. Tama nga ang sabi ng aking nakatunggali kanina huwag paiiralin ang puso sa laban, kailangan manatiling bukas ang isipan sa kahit na anong laban. "I'm okay" anas ko dito at nginitian ito. Napansin ko naman ang dala dala nitong mangkok na may lamang lugaw. Agad kong b

