"You planned to kill Zurich," Huminga ako ng malalim, at ramdam ko ang panlalamig at panginginig ng aking kamay sa nerbiyos. Ngunit nagawa kong salubungin ang titig nito. "Mr. Anton De'Leuther." Kasabay noon ay narinig ko ang sunod sunod na pagkabasag. Mas lalo akong kinabahan at yumuko upang ako'y maitago ng katawan ni King Hyde. Nakakakaba, promise, lalo na kung kayo ay nasa sitwasyon kung saan ang malalaking tao sa kanilang mundo ang iyong kaharap. Alam kong ang mga may dugong Von Blood at De'Leuther lamang ang nandito pero hindi ba't sila ay isa sa pinakamataas na ranggo ng bampira? Si King Hyde nga ay kinatatakutan, sila pa kaya? "It's you who's constantly sending threat to my daughter, huh?!" Rinig kong boses mula sa ama ni Zurich na tinuro niya kanina, at dahil doon ay t

