Napagpasyahan kong tumayo at maglakad lakad.. o kaya'y bumalik na lang sa kwarto? Ay tama! Kaysa maglakad lakad pa 'ko, baka tulad ng naisip ko kanina ay mapunta pa 'ko sa isang lugar at mapahamak. Tumayo ako at naglakad papalapit muli sa palasyo. Another thing about here. The palace looks so dark and gloomy. Pakiramdam ko nga'y isa itong abandonadong palasyo ngunit hindi dahil maraming nagsisilbihan dito. Mas marami pa sa palasyo ni King Hyde. "Well, well, well." Natigilan ako ng makarinig ako ng salita mula sa isang gilid. Pamilyar ang nakakarindi nitong boses kahit na kanina ko pa lamang ito narinig, at nang humarap ako ay tama nga ako. Lihim akong napairap. She's here.. again. "Makita pa lang kita, kumukulo na ang dugo ko." Nanggigigil nitong sabi na ikinataas ng kil

