Marcus Nang umalis si Monica ay nawalan na ako ng gana. Parang gusto ko na lang umuwe at huwag nang ituloy ang party na ito. Nakokonsensya ako.. nang dahil sa akin ay nasa bingit ng kamatayan ang lola ni Monica. Or worse ay mawala ito sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Nakita kong papalapit muli sa akin ang Mommy. "Kapag dumating ang anak ni Mr. Montenegro ay asikasuhin mo syang mabuti. Naayos ko na ang gusot na ginawa mo sa harap ng mga kaibigan ko. Sinabi kong playboy ka at madaming pinaiiyak na babae.. pero ang anak ni Mr. Montenegro lang talaga ang mahal mo!" Utos nito sa akin. Tumitig ako ng masama sa kanya! I can't imagine that I'm living with an evil! Pero heto na naman ako... natatakot na naman ako. Dahil nasaksihan ko na mismo ang kasamaan ng mommy ko at ayokong

