Marcus. Ano bang ginagawa ko? Dapat ay maging okay lang ako. Kailangan ko pala syang layuan. Kailangan kong magpanggap na ibang Marcus na ang kaharap nya. Pero ang tanga lang nung imessage ko pa sya! f**k! Sa ginagawa ko lalo syang mapapalapit sa akin! Tama na. Tama na nga ba talaga?? Bakit sa kabilang side ng puso ko may sumisigaw na naman na baka pwede pa? Pero okay na siguro yun. Nagsorry na ako. Sapat na yun. Pagkatapos nito ay hindi ko na talaga sya lalapitan. Sana ay magawa ko. Sana lang talaga. Pero lagi pa ring nagkukrus ang landas namin at sobrang hirap nito para sa akin. Syempre dahil sa iisang universidad lang kami nag-aaral kaya malamang may pagkakataong makita ko talaga sya. Bakit nga ba dito sya nag-aral? Sinundan nya ba ako? And It brings smile to my face. What? Bakit

