Nagpaalam ako saglit kila Anna at Clark. Dahil lihim ko lang kakatagpuin si Joel. Nagmamadali akong pumunta sa kanyang kinaroroonan at hinatak ko sya palayo sa kumpulan ng mga estudyante. Dinala ko sya sa lihim na tagpuan namin ni Marcus. Nakakainis isipin na ang espesyal na lugar namin ni Marcus ay masisilayan din nya! Napabuntong hininga ako at humarap ako sa kanya. Kitang kita ko ang pagkagat nya sa kanyang labi... parang sabik na sabik na syang humalik sa akin. Pinagsisihan ko ang bagay na ito. Ngayon ay ibibigay ko ang halik ko kay Joel? Mauuna pa sya kay Marcus? Dahil sa kabaliwan na ginawa ko ay eto ang napala ko. Dahan dahan syang lumapit sa akin. Hinawakan nya ang magkabila kong braso. Nangingilabot ako... "Ang swerte ko naman na mahahalikan ko ang kagaya mo! Kahit na natikma

