Monica Sobrang nakokonsensya ako sa mga ginawa namin ni Marcus kay Joy. Kung bakit ba naman kasi hinayaan ko si Marcus na pumasok ulit sa buhay ko. Sa loob ng tatlong taon ay dalawa kami ni Joy na pinaglalaruan nya. Ang tanga ko!! s**t! Ayoko na muna talagang mapalapit kay Marcus. Pero kapag nariyan na sya ay lumalambot ang puso ko.. ang hirap hirap nyang tanggihan.. Mahal ko sya... pero kailangan nang itama ang lahat ng pagkakamali. Dapat ay ginalang namin ang relasyon nila ni Joy. Or mas magandang pumili na sya sa aming dalawa. Yes! He needs to choose between me and Joy. Sino ba talaga? Para wala nang nasasaktan pa. Nagkita kami ni Marcus para mapag-usapan ang tungkol sa amin. Ngayon lang ako nagising sa katotohanan. Seryoso syang nakatingin sa akin... napakapungay ng mga mata nya..

