Marahan kong isinara ang pinto. Ramdam ko pa rin ang umaapoy na galit ni Joy. Bakit ba sya talaga nagagalit? Dahil nga kaya alam nya na kung saan kami nagpunta ng boyfriend nya? Shit... hindi ko alam ang gagawin ko kung magagalit sya sa akin. Sya lang ang kaibigan ko dito sa Paris bukod kay Marcus. "So saan ka nga nagpunta?" Isa pa ulit nyang tanong. Nanginginig na ako nang makita ko ang mukha nya na puno na ng galit.. ano bang sasabihin ko? Hindi ko na alam.. Nang biglang.. "Anu ba siz??? Nakakainis naman to.. paExcite masyado. Anu na?? May nangyari na ba sa inyo ni Adam? Dali. Kwento na!" Sabi ni Joy. Nakahinga ako ng maluwag. Pinaglololoko lang pala ako ng kaibigan ko.. "Ahhh.. ano.. eh." Wala talaga ako maisip na masabi sa kanya Hinampas nya ako sa braso ko. "Ayan nagkanda-uta

