Marcus Pagkatapos namin mag-enjoy sa Everland ay kumain kami ni Monica sa isang sikat na Korean restaurant. Alam kong gutom na ang mahal ko. "Wait lang Monica ha. I'll go to the comfort room!" Sabi ko.. Tumango lang sa akin si Monica habang isinusubo ang kimchi. Natawa ako dahil mukhang paborito na nya ang kimchi. Bago pa ako makarating sa Cr ay biglang nagring ang cellphone ko.. Mommy calling.. Namilog ang mga mata ko. Bigla akong kinabahan. Agad kong sinagot ang tawag nya "Hello mommy?" "Marcus! Check your email now. I send some pictures. How many times do I need to remind you that only a girl who came from a well known family ang nababagay sayo! Kasalanan mo ang nangyari sa babaeng yan! Tinakot ko lang naman sya na layuan ka na!" Galit na galit na sigaw ni mommy. Biglang napu

