Bagsak balikat akong lumabas na ng school namin. Palagay ko ay hinihintay na rin ako ni Mang Willie. Maya maya lang ay... "Monica, hindi ka pa pala nakakauwe? Hindi na kasi kita nakita kanina." Pagkukunwari sa akin ni Anna. Alam ko naman na nakita nya ako kanina! Nakaramdam ako ng panginginig sa mga sinabi nya... "Ah.. eh.. kasi.. hinintay kita kanina. Hindi mo lang ako nakita sa labas kasi kasama mo ang buong varsity" sabi nito Napaarko ang kilay nya sa akin. Tila ba pakiramdam ko ay nagmistula syang si Veronica sa kanyang itsura. "Next time pagkatapos ng klase ay pwede na kayong mauna ni Clark. Magkikita pa kasi kami ni Marcus after class. " malamig na sabi ni Anna. Napakagat labi ako kay Anna. Ibang iba na talaga si Anna ngayon. Malamang ay tama lang ang lahat ng ito.. sa lahat

