"Samantha." Napabalikwas siya ng bangon dahil sa tawag ng Kuya Stephen niya. Napatingin siya sa orasan sa side table niya at mag-aalas dies na pala ng umaga. Bumangon siya at kahit gulo gulo ang buhok niya ay pinagbuksan niya ang pinto ng kapatid bago pa siya nito mapagalitan. "May nagaantay sayo sa labas." Seryosong sabi nito. "Sige po Kuya. Pababa na po." Tumango lang ito sakaniya kaya wala na siyang nagawa kundi muling pumasok sa kwarto niya para maligo. Hindi siya sanay na ganoon ang treatment sakaniya ng Kuya niya. Galit ito sakaniya dahil alas dos na ng madaling araw siya umuwi kanina. Hindi pa siya nakapasok ngayon sa eskwelahan dahil sa masama ang pakiramdam niya. Isa pa ayaw niya munang makita si Jace, ang lalaking walang isang salita na akala niya ang hero niya hindi nama

