Hindi na namalayan ni Samantha na nakatulog na pala siya sa sobrang pagiisip doon sa mysterious man na iyon. Baka naman napadaan lang sa tapat ng bahay nila at hindi naman talaga nito sinasadyang mapatingin sakaniya. Baka nga. Masyado lang siguro akong praning. Bumangon na siya para maligo at bumaba na. Wala naman siyang kasama sa bahay dahil ang Daddy at Tita Jenny niya ay nasa Japan para mag-bakasyon. Ang Ate Amber naman niya ay sigurado siyang nasa opisina na ng Kuya niya. Napaisip naman siya, sobrang nakakahanga talaga ang paglalaro ni Kupido. Dati head over heels ang Kuya niya kay Ate Aiko. Noong nakipagbreak ang babae sa Kuya niya ay halos hindi na niya makita ang Kuya niya, kundi maginom sa bar ay doon ito umuuwi sa condo nito na malapit lang sa opisina. Sobrang dinibdib ng

