Oriana Fatima’s POV “Good morning, sweety.” Nagsalubong agad ang kilay ko dahil sa tono ng boses niya sa kabilang linya na alam na alam ko kahit na nasa ibang bansa pa siya! Ito na ang ikalawang araw niya sa Malaysia. Tinawagan ko agad siya bago pa man ako pumasok sa university namin. Gusto ko lang siyang i-check at ngayon parang may mali agad. “Bakit ganyan ang boses mo?” magkasalubong ang kilay ko at kitang-kita ko ‘yon sa salamin ng sasakyan na papunta sa university namin. Nakapantalon at t-shirt ng educ student ang suot ko ngayon. Wala kaming klase. May meeting lang ang buong educ para mag elect ng leader sa course namin kaya ibang uniform ang suot ko. “Nakatulog ka na ba?” nag-aalala na tanong ko sa kanya. Alam na alam ko ang boses niya kapag pagod na pagod at kapag wala pa si

