Oriana Fatima’s POV “May boyfriend ka na pala, Oriana.” Kapit bisig na sambit sa akin ni Nadine. Nasa kaliwa ko siya habang nasa kanan ko naman si Ayisha. Papunta kami ngayon sa building ni Frence para roon naman kumain ngayong araw. Doon kasi namin napagdesisyonan na kumain ngayon para medyo maiba naman. Iba-iba kasi ang pagkain dito bawat canteen kaya talagang hindi nauumay ang mga estudyante dahil pwede silang magpalipat-lipat ng canteen. “Oo,” masayang sambit ko. “Matagal na kaming may relasyon ni Damien,” pagmamalaki ko pa. Hindi ko lang naman masabi sa kanila dahil hindi rin naman sila nagtatanong. Tsaka ayokong pag-intrigahan nila si Damien kaya hindi ko agad sinabi sa kanila dahil baka makilala pa nila si Damien bilang tagapagmana. Gusto ko rin naman ng privacy ng boyfriend

