Chapter 16 Sky's Pov: "Ok class, what was our last topic?" Tanong ng aming guro matapos niyang makuha ang attendance namin. Wala parin ako sa katinuan simula kaninang madaling araw. Ang utak ko ay parang isang ibong lumilipad sa kalangitan, ang aking mga mata'y nakatingin sa kawalan at ang paligid ay nababalutan ng kadiliman. Naramdaman ko na lang na may tumutusok sa aking tagiliran. Sa una'y hindi ko pinansin hanggang sa padiin ng padiin ito. Napatingin ako sa aking katabi ngunit nakatingin siya sa harapan. Ibinaling ko ang aking paningin sa harap. Nakatitig sa akin ang aming guro na para bang gusto nang pumatay. "Buti naman at napatingin ka na sa akin Mr. Alejandro." Sabi nang aming guro sa akin. Napayuko ako dahil sa nangyayari. "Ok Mr. Alejandro. What was our last topic?" Pag-uu

