Chapter 20 Sky's Pov: Nandito na ako ngayon sa canteen. Nakaupo at hinihintay si Jake na bumalik. Nagpaalam kasi siyang mag ccr daw. Ilang saglit pa, nakita ko si kuya Axel na nakangiti. Anong meron? Ano kaya ang pinag-usapan nilang dalawa ni Maya? "Oh? Ang saya natin ah!" Sabi ko kay kuya Axel nang makalapit siya sa lamesa. "Oo…sobrang saya! Kami na ulit ni Maya!" Masaya niyang tugon sa akin. Sila na ulit? Paano nangyari yun? Sa pagkakakilala ko kay Maya eh hindi na niya binabalikan ang mga taong minsan nang iniwan niya? Ilang saglit pa, halos sabay dumating sina Jake at Maya. kitang kita ko naman na nakangiti silang dalawa na nagkakatitigan. Lumapit na silang dalawa sa amin. Tumabi si Maya kay kuya Axel habang si Jake ay tumabi naman sa akin. "Anong gusto mong kainin?" Tanong ni k

