“IS SOMETHING bothering you, sweetheart?” Mula sa kalangitan ay nagbaba ng tingin si Selena. Bumaling siya kay Adam. Agad na gumuhit ang ngiti sa mga labi niya nang makitang mayroon itong dalang life-size teddy bear. Tinotoo ng binata ang sinabi nito pagkagising niya mula sa comatose na babawi ito sa kanya. Adam had become everything she had dreamed for him to be. Naging napakamaalaga nito, maalalahanin at mapagmahal. Ni hindi lubos akalain ni Selena na may romantic bone pala ang binata sa katawan. Parati itong nasa tabi niya. Siguro ay dapat niya ring ipagpasalamat kahit paano ang pagkakaroon niya ng amnesia dahil sa naging pagbabago ni Adam. Kahit ang kanyang ama ay napaka-attentive na rin sa kanya ngayon sa pagkagulat niya. Mula nang lumabas siya ng ospital ay para

